Bernadette Sembrano nagsalita na kung bakit umalis sa GMA: Nag-resign po ako, hindi ako tinanggal | Bandera

Bernadette Sembrano nagsalita na kung bakit umalis sa GMA: Nag-resign po ako, hindi ako tinanggal

Ervin Santiago - November 13, 2022 - 12:38 PM

Bernadette Sembrano nagsalita na kung bakit umalis sa GMA: Nag-resign po ako, hindi ako tinanggal

Bernadette Sembrano

“HINDI ako tinanggal.” Yan ang ipinagdiinan ng veteran broadcast journalist na si Bernadette Sembrano tungkol sa pag-alis niya noon sa GMA 7 at paglipat sa ABS-CBN.

Pagbabahagi ng Kapamilya news anchor, fake news ang kumalat na balita na tsinugi siya sa GMA kaya napilitan siyang mag-apply sa ABS-CBN.

Sabi ni Bernadette, siya ang nag-resign sa Kapuso network 18 taon na ngayon ang nakararaan nang dahil sa ilang isyu sa management. Hanggang sa magkaroon ng pagkakataon na makapagtrabaho siya sa ABS-CBN.

Sa vlog ng talent manager na si Ogie Diaz, idinetalye ni Bernadette ang paglipat niya ng istasyon. Tinanong siya kung naging smooth ba ang pag-ober da bakod niya ng network.

“Kung titingnan ko yung big picture, it was smooth kasi parang ang gaan. Hindi plinano pero napunta ka du’n. Bumukas rin yung opportunity at that time na nag-resign ako sa GMA.”

“Again, nag-resign po ako. Hindi po ako pinirate, so yun po talaga ang totoo. Hindi ako tinanggal,” paliwanag ng news anchor at TV host.

Pagpapatuloy pa niya, “With The Probe Team (dati niyang show sa Kapuso station), hindi ni-renew ang The Probe Team du’n sa GMA 7, so I decided to resign kahit na I was still part of Wish Ko Lang. So, ganu’n yung nangyari.”

Inamin din niya na naging issue rin ang isang kuwento niya sa investigative program na “The Probe Team”, “Balikan na lang nila yung mga ano (episodes). Kasi dati, kumbaga ayoko nang makasakit. Pero iyon yung kuwento kung bakit ako umalis.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bernadette Sembrano-Aguinaldo (@iambernadettesembrano)


“As plainly as hindi na ni-renew yung Probe, and at that time may kuwento akong ginawa, investigative report with Probe.

“Nu’ng hindi ni-renew yung Probe, I was still with GMA, nag-decide na tayo na mag-resign din from Wish Ko Lang! which I have to give credit rin naman to GMA 7 for giving that break at that time.

“But I felt that I had to leave the network because of what happened doon sa relationship ng Probe at GMA,” aniya pa.

March 2004 nang lumipat si Bernadette sa ABS-CBN at naging isa sa mga host ng dating morning show na “Magandang Umaga Pilipinas.”

Siya rin ang nag-host ng public affairs program ng ABS-CBN na “Lukso ng Dugo” at ng Sunday morning program na “Salamat, Dok!” At hanggang ngayon ay nasa “TV Patrol” pa rin siya kasama sina Henry Omaga-Diaz at Karen Davila.

Natanong din si Bernadette kung kumusta na ang relasyon niya ngayon sa mga taga-GMA na nakatrabaho niya noon.

“Honestly, wala naman akong parang naging kaaway. In fact, pag nakikita ko sila, in full respect pa rin ako sa kanila.

“Lahat nu’ng mga dati kong nakasama, grateful pa rin ako. Wala naman akong, personally, dapat ikasama ng loob.

“And lahat ng pinagdaraanan mo, feeling ko naka-contribute sa kung sino ka.

“Both the hurtful, with the happy and the sad moments. Nakakatulong naman yun sa pagkatao natin. So, ako, grateful pa rin ako,” sabi ni Bernadette Sembrano.

Bernadette Sembrano humagulgol nang bisitahin si Alex Gonzaga: Grabe! Hindi ko ‘to in-expect…

Bernadette Sembrano may mga paalala bilang Covid survivor

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bernadette Sembrano bet magkaanak, hindi pa rin nawawala ng pag-asa kahit 46 na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending