Bernadette Sembrano bet magkaanak, hindi pa rin nawawala ng pag-asa kahit 46 na | Bandera

Bernadette Sembrano bet magkaanak, hindi pa rin nawawala ng pag-asa kahit 46 na

Therese Arceo |November 11,2022
facebook
share this

Bernadette Sembrano bet magkaanak, hindi pa rin nawawala ng pag-asa kahit 46 na

Therese Arceo - November 11, 2022 - 08:59 PM

Bernadette Sembrano bet magkaanak, hindi pa rin nawawala ng pag-asa kahit 46 na
HINDI pa rin nawawalan ng pag-asa hanggang ngayon ang TV Patrol newscaster na si Bernadette Sembrano na magkakaroon siya ng anak.

Sa kanyang panayaw kay Ogie Diaz ay naikwento niya ang kasalukuyan siyang may iniindang sakit na endometriosis at myoma kung kaya’t nahirapan silang makabuo ng anak.

Noong 2018 nang makunan si Bernadette sa kanila sanang unang anak ng kanyang asawang si Emilio “Orange” Aguinaldo IV.

Sa kabila ng hindi magandang karanasan ng newscaster sa kaniyang pagbubuntis ay hindi naman niya isinasara ang posibilidad na muling magkaroon ng anak.

“Hindi ko naman sinasabing hindi [na] kasi nag-o-ovulate pa naman ako so hindi natin alam, baka magka-miracle baby din. So, hindi ko pa isinasara yung possibility. Nag-attempt naman kami pero, unfortunately, nagkaroon kami ng miscarriage,” saad ni Bernadette.

Dagdag pa niya, “Kaya ko sinasabing kami, kasi kami namang mag-asawa yun. Nag-try naman kami through in vitro [fertilization] kaso, ayun nga lang, nagkaroon ng miscarriage din.”

Pag-amin ni Bernadette, December 2018 nang makumpirma nila na nagdadalangtao na siya ngunit sa di inaasahang pgkakataon ay nakunan siya bago ang kanyang birthday noong 2019.

At noong December 2020 naman ay naging emosyonal siya nang ibahagi niya sa madlang pipol ang pagkakalaglag ng kanyang anak na si Molly o Mary Olivia.

Ang nangyari nga sa sana’y panganay nila ang nagsilbing lesson kay Bernadette para mas maging open pa sa buhay.

“Siguro, how do I cope? I guess, it boils down to how do you hope. Una, ipinagpasalamat ko, ipinagpasalamat namin na nangyari si Molly.

“Yun din ang palagi ko ring pananaw, na kapag mahal mo ang isang tao, dapat hindi mo tinatapos sa kamatayan ang pagmamahal mo,” pagbabahagi ni Bernadette.

Aniya, “Noong mawala si Molly, sabi ko the way to love her and continue loving her is to embrace the life that I wished for her. Noong nangyari yun, mas naging bukas ako sa pag-serve sa church, mas naging bukas ako sa passion ko.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bernadette Sembrano-Aguinaldo (@iambernadettesembrano)


Ang anak rin niya ang naging dahilan para mas maging malapit sa Diyos at para mas magawa pa niya ang kanyang passion.

“Iba yung naging grasya sa akin na ginamit ko siya para mas yakapin ang buhay and to allow her to live in my heart. Kung ano yung ligaya na idinulot sa akin, parang gusto kong magtuluy-tuloy siya by living a good life,” sey pa ni Bernadette.

Related Chika:
Bernadette nagulat nang magpositibo sa COVID: Kasi wala akong nararamdaman, I feel healthy

Ano ang kuwento sa likod ng bagong hairstyle ni Bernadette Sembrano?

Bernadette Sembrano may mga paalala bilang Covid survivor

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bernadette Sembrano humagulgol nang bisitahin si Alex Gonzaga: Grabe! Hindi ko ‘to in-expect…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending