Bernadette nagulat nang magpositibo sa COVID: Kasi wala akong nararamdaman, I feel healthy
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin matukoy ng news anchor at TV host na si Bernadette Sembrano kung kanino siya nahawa ng COVID-19.
Nag-positive sa killer virus ang Kapamilya broadcast journalist base na rin sa isinagawa niyang announcement kagabi sa kanyang Instagram page.
Ayon sa TV Patrol anchor, wala pa siyang idea kung saan niya nakuha ang virus o kung kanino siya nahawa. Mabuti na lamang daw at asymptomatic siya.Sabi ni Bernadette, “I just wanted to inform you that I tested positive for COVID. Nagulat din po ako. Kasi wala akong nararamdaman at all.
“In fact, I feel healthy. Wala pong symptoms. Pero meron kaming mandatory RT-PCR test sa work, so when it came out, nawindang din ako,” paliwanag ng news anchor.
Ipinagdiinan pa ni Bernadette sa kanyang IG post, hindi lahat ng tinatamaan ng COVID-19 ay kailangang dalhin o i-confine sa ospital.
Ngunit aniya, may mga taong asymptomatic na tulad niya lalo na yung mga hindi pa nasa-swab test ang patuloy na lumalabas na posibleng makapanghawa sa iba.
“But anyway, I am coming out para lang ma-enlighten ang marami sa atin.
“Kadalasan ang iniisip natin, pag COVID, yun pong mga pasyenteng mahina ang katawan na may tubo, nangangayayat, inuubo. Pero marami po ang kagaya ko na asymptomatic.
“Asymptomatic na feeling mo wala kayong sakit. Wala kayong COVID at patuloy po tayong naghahalubilo kasama ang ibang tao,” dagdag pang paaala ni Bernadette.
“‘Yun yung nakakatakot kasi we can be endangering the lives of the people around us and the lives of our loved ones.
“So please practice the health protocols, coz we are doing it not only to protect ourselves, we are doing it to protect our loved ones,” sabi pa ng news anchor.
Hinikayat din niya ang mga Filipino na magpabakuna na kung mabibigyan ng chance, “Magpa-vaccinate na rin tayo. I still believe that we can thrive and outsmart the virus.
“Alam naman natin yung gagawin natin, e. Nakalusot, pero sa awa ng Diyos, na-test agad at nakapag-isolate agad.
“So let’s just really pray for the best. I’m praying for you, please pray for us too. Kaya natin ‘yan. You take care and God bless you.
“So, keep on praying. Sa panahon ngayon, hindi natin kaaway ang isa’t isa.
“Ang kaaway natin, COVID. So, hopefully we can fight this together. So, God bless you and God bless everybody,” ang positibo pang pananaw ni Bernadette Sembrano sa pinagdaraanang krisis ng mga Filipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.