Ruby hindi nag-resign sa Bulaga: Ang makakasagot lang kung tinanggal ako o hindi, ay sila Bandera

Ruby hindi nag-resign sa Bulaga: Ang makakasagot lang kung tinanggal ako o hindi, ay sila

Ervin Santiago |June 03,2021
share this

Ruby hindi nag-resign sa Bulaga: Ang makakasagot lang kung tinanggal ako o hindi, ay sila

Ervin Santiago June 03, 2021 - 09:16 AM

IPINAGDIINAN ng Kapuso TV host-comedienne na si Ruby Rodriguez na hindi siya nag-resign sa “Eat Bulaga” kaya bigla siyang nawala sa longest-running noontime show sa bansa.

Nagsalita na ang komedyana tungkol sa mga haka-haka kung bakit hindi na siya napapanood sa noontime show ng GMA at kung makalabalik pa ba siya sa programa.

Kung anu-ano na nga ang naglalabasang chika hinggil sa pagkawala niya sa “Eat Bulaga” na sinabayan pa ng announcement niya na sa Amerika na siya at nagtatrabaho.

Pero bago nga siya umalis ng bansa ay nagawa pa niya ang Kapuso romcom series na “Owe My Love” nina Lovi Poe at Benjamin Alves kaya napapanood pa rin siya ngayon sa telebisyon.

“With Bossing (Vic Sotto) and Poleng (Pauleen Luna), noong pinaplano ko pa lang ‘to, pati ‘yung pag-aaplay ko ng trabaho alam na nila. Because they are my closest friends, they already know. The others do not,” simulang paliwanag ni Ruby nang humarap siya sa videocon bilang bagong talent ng Viva Artist Agency.

Aniya pa, “And then the girls, I opened up with Luane (Dy) na plano ko nga, kasi nga sa anak ko ganyan. Pero sila-sila lang ‘yung mga nasabihan ko, sila Allan K.

“So, hindi kami talaga nakapagpaalamanan kasi nga nagbu-Bulaga pa naman nu’ng March noong biglang nagpandemya. Paano ka magpapaalam sa kanila?

“Tapos noong nakausap ko si Boss, hindi pa ako nagpa-file ng leave. Plano pa lang, verbal pa lang ‘yung agreement pa lang namin, kasi ifa-file ko ‘yung leave ng March 2020, kung aalis na ako. E, hindi pa naman ako umaalis, so bakit ako magfa-file. Kasi, I was going to file it a month before I leave.

“’Yung mga tanong ng iba, ‘Tinanggal ka ba o ikaw ang umalis?’ Actually, hindi ako umalis, kasi nagpaalam ako na magle-leave of absence lang ako. Ang sabi sa akin ni Mr. (Tony) Tuviera noon, ‘You will always have a home here in Eat Bulaga’.

“At siyempre inasahan ko ‘yun, so when they started to go on air, it’s their decision kung sino pababalikin nila. So, hindi ko alam. Ang makakasagot lang kung tinanggal ako o hindi, ay sila,” tuluy-tuloy na paliwanag ni Ruby.

Dagdag pa niya, “That’s why I always say: please ask them I dunno how will they answer… So hindi ko alam ‘yung desisyon nila, but it’s management decision and we always respect that.”

Pagpapatuloy pa ng komedyana sa na nasabing panayam, “When the pandemic started, we were all separated already, I mean you know, when they were back on-air, we were on the side, you know, we were never called back.

“Maybe, because I already talked to the management that I’m supposed to leave, nanghingi nga ako ng LOA (leave of absence).

“Maybe, you know, it was done that way. We’re far apart, I’m not doing the hosting gig anymore there in Eat Bulaga, but we still talk. ‘Yung mga host, I mean regularly, we still text, we still talk to each other.

“Especially, my friend, of course, Pauleen and I talk to each other all the time,” paglilinaw pa ni Ruby.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending