'Kapag marunong kang pumuna, dapat marunong kang tumanggap ng puna' — Ogie Diaz Bandera

‘Kapag marunong kang pumuna, dapat marunong kang tumanggap ng puna’ — Ogie Diaz

Therese Arceo |September 23,2022
share this

‘Kapag marunong kang pumuna, dapat marunong kang tumanggap ng puna’ — Ogie Diaz

Therese Arceo - September 23, 2022 - 11:14 AM

Ogie kay Willie Revillame: Kapag marunong kang pumuna, dapat marunong kang tumanggap ng puna

MULING nagsalita ang vlogger at talent manager na si Ogie Diaz patungkol sa kanyang mga natatanggap na pamba-bash matapos magkomento sa soft launching ng ALLTV.

Matatandaang nag-trending ang talent manager matapos itong magbigay opinyon sa napanood niyang production number ng kaibigang si Toni Gonzaga.

Ani Ogie, naiintindihan naman daw niya na nagkakaroon ng technical issues ang ALLTV lalo na at bago pa lang daw ito pero sana raw ay mag-invest sa magandang sound system ang ALLTV.

Hindi man direktang pinangalanan ngunit tila sinagot siya ni Willie Revillame on aur kung saan sinabi nito na sana ay huwag nang tignan ang kanilang pagkakamali lalo na’t nakapagbibigay tulong naman daw sila sa mga tao.

Nagsalita naman si Ogie at sinabing constructive naman ang criticisms na sinabi niya at wala naman siyang ibang ibig ipakahulugan sa mga sinabi niya lalo na’t kaibigan niya ang dating senador at nagmamay-ari ng ALLTV na si Manny Villar.

At dahil nga rito ay patuloy pa rin ang ibinabatong batikos sa talent manager dahil nga sa mga naging komento nito.

At sa latest upload ng “Ogie Diaz Showbiz Update” ay muling nga nilang napag-usapan nina Mama Loi at Dyosa Pockoh ang pag-trending ng talent manager.

“The moment you post, dapat ready kang ma-bash. Kapag nanahimik ka, wala kang bash. Tahimik rin sila,” diretsahang sagot ng vlogger-talent manager.

Aniya, buhay rin daw nilang mga nasa industriya ang mga bashers dahil nga tulad ng lagi niyang sinasabi ay kapag may bashers ka ay relevant ka pa rin.

Chika pa ni Ogie, may halo naman daw na pagmamalasakit ang kanyang mga komento sa ALLTV.

May mga nagre-react rin na bakit daw nagkakaroon ng sama ng loob si Willie sa pagpansin sa mga kamalian sa ALLTV gayong ganoon rin naman daw siya sa mga staff, talent at mga nakakatrabaho niya.

Saad naman ni Ogie, “Tatak naman ni Kuya Wil ‘yun ah? Yung naninita siya on air. Ayan, nakumpara pa tuloy di ‘ba? Kasi nga sinasabi ni Kuya Wil na huwag pupunahin. ‘O ba’t pinupuna n’yo pa ‘yung mali namin? E tumutulong naman kami sa mga tao’.

“E ikaw nga Willie Revillame kapag ayaw mo yung napapanood mo, ayaw mo ang performance ng talents n’yo sa Wowowin, on air, live na live sinisita mo sila. Pinupuna mo sila’, yun naman ang ibinabalik ng mga fans.”

Giit pa ni Ogie, “Yun nga ang sinasabi ko,Loi. Kapag marunong kang mamuna, dapat marunong kang tumanggap ng puna. Kumbaga hindi lang ikaw ang anak ng Diyos para ikaw lang ang may karapatang pumuna. Dapat marunong ka ring tumanggap ng puna.”

Dito ay nabanggit nga ng talent manager ang sandamakmak na bashing at pambabatikos na natatanggap nila ngunit kibit balikat na lamang sila.

“Wala namang isyu sa amin na namimigay ng pera si Kuya Wil o tumutulong siya sa kanyang mga kapwa dahil yun ang kanyang programa, namimigay talaga ng mga papremyo. Kami rin naman ay wala kaming ganoong show pero kami mayroon rin kaming sinusuportahan na foundation,” chika ni Ogie.

Nilinaw rin niya na walang katotohanan na kaya siya kumukuda ay dahil nagpapapansin siya at maalok ng TV show sa ALLTV.

“Hindi ganoon yun. Sinabi ko naman sa inyo ‘yun. Masaya na nga kami rito (YouTube). Yang TV additional na lang yan sa akin,” sey ni Ogie.

Aniya, wala na raw naman siyang dapat patunayan sa TV dahil matagal na rin naman siya sa industriya.

Lahad pa ni Ogie, kung iko-call out daw sila dahil sa mali nitong sinabi ay tatanggapin niya kahit okrayin pa sila at below the belt ang ibato sa kanila.

Related Chika:
Ogie Diaz napabungisngis sa prod number ni Toni Gonzaga sa ALLTV

Willie Revillame pinatutsadahan si Ogie Diaz matapos punahin ang ‘technical problem’ sa launching ng ALLTV?

Hirit ni Ogie kay Willie: Parang hindi siya marunong tumanggap ng negativity o constructive criticism

Willie Revillame inaming siya mismo ang nakikipag-usap sa mga artistang lilipat sa ALLTV, may pakiusap sa netizens

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending