Hirit ni Ogie kay Willie: Parang hindi siya marunong tumanggap ng negativity o constructive criticism | Bandera

Hirit ni Ogie kay Willie: Parang hindi siya marunong tumanggap ng negativity o constructive criticism

Ervin Santiago |September 21,2022
facebook
share this

Hirit ni Ogie kay Willie: Parang hindi siya marunong tumanggap ng negativity o constructive criticism

Ervin Santiago - September 21, 2022 - 08:35 AM

Ogie Diaz at Willie Revillame

SINAGOT ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz ang naging pahayag ni Willie Revillame laban sa mga pumuna sa launching ng bagong TV station sa bansa, ang ALLTV.

Ang ALLTV ay ang network ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) na pag-aari ng pamilya ng dating senador na si Manny Villar.

Sa pagbubukas ng nasabing istasyon last week ay nagsilbing host si Willie kasama ang isa pang contract star ng ALLTV na si Toni Gonzaga.

Napapanood dito ang “Wowowin” ni Willie at ang “Toni Talks” ni Toni. Si Willie rin ang tumatayong consultant ng ALLTV.

Sa Facebook post ni Ogie noong September 15, pinuna nito ang technical glitch sa audio ng network lalo na nang mag-perform si Toni. Bakit daw parang hindi napaghandaan ang production ng soft launch knowing Willie na sobrang perfectionist sa bawat detalye ng kanyang show.

Sa September 16 episode naman ng “Wowowin”, pinatutsadahan ng TV host ang mga nagbigay ng negatibong reaksyon sa naganap na soft launching ng ALLTV, partikular na ang pang-ookray sa audio system ng istasyon.

Sabi ni Willie, “Minsan nakakasama ng loob. Pinupuna pa yung pagkakamali namin. Mahirap magpuna ng pagkakamali ng kapwa mo. Tingnan mo muna yung sarili mo, di ba?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Diaz (@ogie_diaz)


“Wag na tayong pumuna. Isipin mo yung ilang taong tinulungan ng station na ito.

“Kuya Wil, ano ba ang dapat pinupuna? Yung mali? O yung kulang? O yung kapos? O yung sana, e, mas maganda sana yung ito yung gagawin? Pag kapuri-puri naman, pupurihin naman, Kuya Wil,” ang mahinahong pahayag ni Ogie sa kanyang YouTube vlog na in-upload nitong September 20.

Sey pa ng talent manager, “Kung maganda yung audio, sa palagay mo hindi ko naman pupurihin iyon? Kung maganda naman ang sound system sa palagay mo hindi ko naman pupurihin iyon?

“Pupurihin kung kinakailangan. Constructive naman iyon, Kuya Wil. Sana marunong tayong tumanggap ng kritisismo, lalo na’t antagal-tagal mo na sa industriya. Di ba, dapat alam mo na iyan?” aniya pa.

Sinagot din ni Ogie ang sinabi ni Willie na maraming natutulungan ang ALLTV, “Yung kalidad, ang production value ang pinupuna hindi naman ang mga taong tinutulungan.

“Dapat mas naa-appreciate ni Kuya Wil yung mga pagpuna. Dapat magpasalamat siya.

“Sa tono ni Kuya Wil, parang hindi siya marunong tumanggap ng negativity or constructive criticism. Parang mas gusto niya pinupuri siya,” katwiran pa niya kasabay ng pagsasabing nauunawaan niya na nagsisimula pa lang naman ang ALLTV.

Huling mensahe ni Ogie kay Willie, “Huwag ka nang magalit.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Willie Revillame pinatutsadahan si Ogie Diaz matapos punahin ang ‘technical problem’ sa launching ng ALLTV?

Willie Revillame inaming siya mismo ang nakikipag-usap sa mga artistang lilipat sa ALLTV, may pakiusap sa netizens

Ogie Diaz napabungisngis sa prod number ni Toni Gonzaga sa ALLTV

Ogie Diaz binanatan ng bashers matapos magkomento sa production number ni Toni Gonzaga sa ALLTV

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending