Willie Revillame pinatutsadahan si Ogie Diaz matapos punahin ang 'technical problem' sa launching ng ALLTV? | Bandera

Willie Revillame pinatutsadahan si Ogie Diaz matapos punahin ang ‘technical problem’ sa launching ng ALLTV?

Therese Arceo |September 20,2022
facebook
share this

Willie Revillame pinatutsadahan si Ogie Diaz matapos punahin ang ‘technical problem’ sa launching ng ALLTV?

Therese Arceo - September 20, 2022 - 06:12 PM

Willie Revillame pinatutsadahan si Ogie Diaz matapos punahin ang 'technical problem' sa launching ng ALLTV?

MAY tampuhan nga kaya sa pagitan ng TV host-comedian na si Willie Revillame at talent manager na si Ogie Diaz?

Marami kasi sa mga netizens ang tila nahihiwagaan kung ang talent manager nga ba ang pinariringgan ng “Wowowin” host.

Maging si Mama Loi ay napaisip kung ang kaibigang si Ogie nga ba ang tinutukoy ni Kuya Wil nang maglabas ito ng sama ng loob sa kanyang programa.

Matatandaang nag-trending ang Facebook post ng talent manager kung saan “napabungisngis” siya nang mapanood ang production number ni Toni Gonzaga nang i-launch ang bagong TV Network na ALLTV.

“Minsan nakakasama ng loob. Pinupuna pa ‘yung pagkakamali namin. Mahirap magpuna ng pagkakamali ng kapwa mo, tingnan mo muna ‘yung sarili mo. Huwag na tayong pumuna. Isipin mo ‘yung ilang taong timulungan ng station na ito,” saad ni Kuya Wil sa live broadcast ng “Wowowin”.

Nagsalita rin naman si Ogie at sinagot ang tanong ni Mama Loi sa kanilang YouTube vlog.

“Grabe ka naman, ako lang ba nag [pumuna sa audio nila],” simula ng talent manager.

“Wow. Ang laki-laki ko namang tao kung ako ‘yun. Hindi sa totoo lang hihimay-himayin ko ‘yung sinabi ni Kuya Will. I love you… alam mo ‘yan pero sa pagkakataong ganito, dapat naririnig niya kung ano ‘yung sintimyento, pagpupuri o opinyon ng mga taong nanonood given the fact na mag-uumpisa pa lang ang ALLTV.

“Ano ba dapat ang pinupuna? ‘Yung tama o mali? O ‘yung kulang o kapos? O yung dapat sana ay mas maganda kung ito ang gagawin.”

Aniya, kung kapuri-puri naman daw ito ay pupurihin naman daw nila ito.

“Kung maganda naman… pupurihin ko lalo na at kaibigan natin si [dating] Sen. Manny Villar.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Willie Revillame – Wowowin (@willrevillame)

Dagdag pa niya, constructive criticisms lang naman ang kanyang ipinahayag.

“Constructive naman ‘yon, Kuya Wil. Sana marunong tayong tumanggap ng kritisismo lalo na’t ang tagal tagal mo na sa industriya. Dapat alam mo na ‘yan,” hirit pa ni Ogie.

Sinabi rin nila na alam nilang may pagka-perfectionist rin ang TV host at pulido sa kanyang trabaho.

“Ngayon kung sasabihin ni Kuya Wil sa atin na ‘maganda ang sound system namin’, edi sorry. Hindi naman niya sinabi so ibig sabihin akinado siya na may pagkukulang,” sey pa ni Ogie.

Chika pa ng talent manager, ‘yung kalidad naman daw ng programa ang pinupuna at hindi ang mga taong natutulungan ng programa.

“Kapag ganito na lagi nating sinasabi na may mga tao tayong tinutulungan sa istasyon na ito, panunumbat ‘yun. Parang may himig panunumbat at pagdatin ng araw may sumbatan ding magaganap,” giit pa ni Ogie.

Related Chika:
Ogie Diaz napabungisngis sa prod number ni Toni Gonzaga sa ALLTV

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Willie Revillame sobrang busy, tutok na tutok sa AMBS2

Willie Revillame inaming siya mismo ang nakikipag-usap sa mga artistang lilipat sa ALLTV, may pakiusap sa netizens

Mariel Padilla pumirma na rin ng kontrata sa ALLTV: The easiest decision I have ever made

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending