Willie Revillame inaming siya mismo ang nakikipag-usap sa mga artistang lilipat sa ALLTV, may pakiusap sa netizens Bandera

Willie Revillame inaming siya mismo ang nakikipag-usap sa mga artistang lilipat sa ALLTV, may pakiusap sa netizens

Therese Arceo |September 15,2022
share this

Willie Revillame inaming siya mismo ang nakikipag-usap sa mga artistang lilipat sa ALLTV, may pakiusap sa netizens

Therese Arceo - September 15, 2022 - 04:18 PM

Willie Revillame inaming siya mismo ang nakikipag-usap sa mga artistang lilipat sa ALLTV, may pakiusap sa netizens

AMINADO ang TV host at negosyanteng si Willie Revillame na siya mismo ang nakikipag-usap sa mga artista na nagnanais lumipat sa ALLTV, ang bago niyang home network.

Sa kanyang second night live broadcast ng programang “Wowowin” nitong Miyerkules, September 14, sinigurado niya na magkakaroon ng mga teleserye, noontime shows, at reality shows sa ALLTV simula January 2023.

“Tulungan niyo po kami na umunlad ang ALLTV kasi marami tayong mabibigyan ng mga trabaho. Yung mga nawalan ng trabaho, kinukuha namin,” saad ni Willie.

Humihingi rin ng pang-unawa ang TV host sa madlang pipol para sa mga artista mula sa ibang networks na lumilipat sa ALLTV.

“Sana naman ho intindihin ninyo. Kung wala naman silang ginagawa at puwede naman dito, welcome na welcome sila sa ALLTV,” ani Willie.

Pag-amin niya, tumutulong siyang makipag-usap sa mga kapwa kasama sa industriya na maging bahagi ng bagong TV network.

“I will be honest, ako po talaga ang nakikipag-usap sa kanila, kasama ko si AMBS President Maribeth Tolentino,” sey ni Willie.

Dagdag pa niya, “Siyempre, tumutulong ako sa kompanyang ito dahil kung sino lang naman yung pupuwede at kung sino ang kailangan.”

Nitong Lunes, Setyembre 13, nang mangyari ang soft launch ng ALLTV kung saan present sina Willie Revillame, Toni Gonzaga, Mariel Padilla, Ruffa Gutierrez, Julia Barretto, Ciara Sotto, at marami pang iba.

Lahad ni Willie, aware siya na nagkaroon ng technical difficulties nang mag-launch sila na hindi naman daw mawawala sa mga nagsisimulang TV network.

“Napagod tayo, medyo malat na kami, ilang gabi na kaming hindi natutulog para mapaganda yung programa.

“Siyempre, may technical difficulties kami, birth pains ‘yan kung tawagin. Mahirap, yung mga audio namin, nahirapan dahil hindi naman po studio itong Wil Tower,” sey pa ni Willie.

Chika pa niya, nangyari ang launch sa penthouse ng Wil Tower at talagang ginawan lang nila ng paraan para sa mga Pilipino lalo na’t paparating na ang Kapaskuhan.

Hirit ni Willie, “Ginawan lang po ng paraan kasi kung magsisimula kami ng January 2023, sayang naman po yung Kapaskuhan.

“Ang sabi ng [former] Senate President Manny Villar, sabi niya, ‘Willie, puwede mo nang simulan ‘yan itong September. Una, anibersaryo namin ni Senadora Cynthia Villar, wedding anniversary. Isabay na natin at magpa-Pasko, para makapagpasaya tayo ng ating mga kababayan.’ So, hindi man kami handa, naging handa kami para sa inyo.”

Related Chika:
Willie sa pagbubukas ng ALLTV: Magugulat kayo kung sinu-sino ang aming mga makakasama…at bukas kami para sa lahat!

Mariel Padilla pumirma na rin ng kontrata sa ALLTV: The easiest decision I have ever made

Willie Revillame sobrang busy, tutok na tutok sa AMBS2

Toni Gonzaga P500-M ang talent fee sa TV network ng pamilya Villar; may pasabog na interview kay Bongbong Marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending