Willie sa pagbubukas ng ALLTV: Magugulat kayo kung sinu-sino ang aming mga makakasama...at bukas kami para sa lahat! Bandera

Willie sa pagbubukas ng ALLTV: Magugulat kayo kung sinu-sino ang aming mga makakasama…at bukas kami para sa lahat!

Ervin Santiago |September 07,2022
share this

Willie sa pagbubukas ng ALLTV: Magugulat kayo kung sinu-sino ang aming mga makakasama…at bukas kami para sa lahat!

Ervin Santiago - September 07, 2022 - 07:03 AM

Willie Revillame

SIGURADONG ikagugulat daw ng mga Filipino ang mga celebrities na magiging bahagi ng ALLTV, ang bagong network na pag-aari ng pamilya ng dating senador na si Manny Villar.

Yan ang balitang ibinandera ng veteran TV host na si Willie Revillame sa episode ng YouTube at Facebook live streaming ng “Wowowin” kamakalawa, September 5.

Binitin muna ni Willie ang pag-a-announce sa mga pangalan ng mga dating Kapamilya, Kapuso, at Kapatid personalities na tatawaging mga “Kababayan” sa ALLTV network.

Inihayag ni Willie na magbubukas na ang pinakabagong broadcast network sa bansa sa September 13, kasabay ng 47th wedding anniversary nina Manny Villar at Sen. Cynthia Villar.

Ayon pa kay Willie, dalawang house and lot mula sa Vistaland ang ipamimigay sa official launch ng ALLTV na binasagan niyang “network ng bawat Pilipino” at may slogan na “Sama All, Saya All.” Bukod pa yan sa cash prize na kanilang ipamumudmod sa mga manonood.

“Hindi ko muna iri-reveal kung sino ang mga kasama natin na artista, mga host, performers. Sasabihin namin ‘yan sa September 13. Magugulat kayo kung sino ang aming mga makakasama. Lahat ng ito ay sorpresa,” ani Willie.

Dugtong pa niya, “Sama all, sama-saya tayong lahat. Saya all, magsasaya tayong lahat sa ALLTV, your new network.”

“Para malaman niyo lang, minamadali ito. Ang gusto ng ating mahal na senador, former senate president, e, humabol tayo sa Pasko dahil ang gusto niya, araw-araw Pasko.

“Sa totoo lang, hindi po grand launch ang mangyayari sa September 13. Kumbaga, maihabol lang sa Pasko. Makapagbigay tayo ng magandang Pamasko.

“Ito pong istasyon na ito, hindi magiging madamot. Ito pong istasyon na ito, gagawa ng paraan para maging masaya, maging maligaya, at makapagbigay ng pag-asa.

“Ito pong ALLTV is also for the newcomers. Sa lahat ng mga nangangarap. Yung merong dream na, ‘I want to be a singer. I want to be an actress. I want to be a director.’ Nakabukas po ang pintuan ng ALLTV para sa lahat.

“Ang gusto ng Villar family, kapag nag-uusap ho kami, ‘O ano, Willie, bahala ka na.’ Ganoon lang ho sila sa tiwala sa akin.

“Salamat, sobrang salamat sa tiwala ninyo sa akin. Ang sarap ho ng feeling. Lahat kami, very excited. Sabi ko, hindi lang sa simula ito. Tuluy-tuloy ito para sa mga kababayan natin,” pagpapabahagi pa ng TV host.

Pahabol pa niyang mensahe, “Sa hirap na pinagdaanan natin, two years na pandemic, hirap ng buhay, walang trabaho, pumipila para makakuha ng ayuda.

“Hindi man kami nasa hanay ng gobyerno, kami naman po, e, may sariling kusa at pagmamalasakit sa ating mga kababayan,” aniya pa.

Isa sa mga sigurado nang mapapanood sa bagong TV network sa bansa ay si Toni Gonzaga at asawa niyang si Paul Soriano matapos nga silang pumirma sa AMBS2 at ALLTV.

Ka Tunying pumirma na rin ng kontrata sa ALLTV ni Manny Villar; ngayon lang nakaranas ng ‘signing ceremony’

Bagong kontrata ng ‘Wowowin’ sa GMA handa na, pero si Willie ang hindi pumirma, bakit nga kaya?

Toni Gonzaga pumirma na sa AMBS 2: I’m so happy to be part of your family!

Ka Tunying umaming nakipag-usap din kay Willie: Mukhang pipiratahin pa ako…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending