Willie Revillame nagbebenta na ng mga mamahaling gamit, gusto na ng simpleng buhay? | Bandera

Willie Revillame nagbebenta na ng mga mamahaling gamit, gusto na ng simpleng buhay?

Reggee Bonoan |April 01,2023
facebook
share this

Willie Revillame nagbebenta na ng mga mamahaling gamit, gusto na ng simpleng buhay?

Reggee Bonoan - April 01, 2023 - 08:15 PM

Willie Revillame nagbebenta na ng mga mamahaling gamit, gusto na ng simpleng buhay?

Willie Revillame

MAY kasabihan gaano man kalalim ang balon kapag walang ulan ay walang tubig na maiipon at mauubos ang inipon para sa mga susunod na araw.

Ganito rin kaya ang nangyayari kay Willie Revillame na balitang nagbebenta na ng mga gamit niya dahil walang pumapasok na kita mula nang pansamantalang ipahinto ang programang Wowowin sa ALLTV kasama ang iba pang programa?

Ito kasi ang balita sa “Showbiz Now Na” vlog nina Nanay Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika na in-upload sa kanilang YouTube channel kaninang hapon.

Sabi ni ‘nay Cristy, “Ang una po kasi naming natanggap na kuwento mga ka-tsika ibinebenta na raw po ni Willie Revillame ‘yung mga paintings niya na binili niya ng milyones noon.”

“Ito ang balita na kumakalat hindi natin alam kung kanino nagmula kasi siyempre pribado ito.  Si Kuya Will (Willie Revillame) mukhang nasa mainit (o) kumukulong tubig!” naunang sabi ni Romel.

Sabi naman ni Wendell na ang mahal ng mga paintings na umanong ibinebenta ng Wowowin host.

“Aba’y oo, kilalang-kilala ang mga pintor bakit naman ang hindi, mga master ika nga.  Tapos mga properties ‘no,” sabi ni nanay Cristy habang nakalingon kay Romel.

Sabi agad ng YouTuber co-host ng SNN, “properties nagbabawas na rin?

Tanong din ni Wendell, “paano ‘yung mga kotse?”

“Aanhin naman niya iyon kahit pa labing-lima ang kotse niya, isa lang din ang magagamit niya sa bawa’t sakay!  Alangan namang bumusiklat siya para sa dalawang kotse?  Nasa kahabaan siya ng EDSA alangan namang nandito ang isa (kanan), nandito ang isa pa (kaliwa) nakabisaklat siya?  Hindi naman puwede ‘yun,” seryosong katwiran ni ‘nay Cristy.

Natatawa naman sina Romel Chika at Wendell sa narinig, “naka-split ha, ha, ha (sabi ni Romel).”

At dito na klinarong hindi naghihirap si Willie kundi mas gusto na lang niya ng simpleng buhay kaya isa-isa niya umanong binabawasan ang mga properties na sa tingin niya ay hindi naman niya kailangan na.

Baka Bet Mo: Willie Revillame malaki raw ang nawala ayon kay Cristy Fermin: Sobrang napakalaki po bilang tao

“Merong nagkuwento sa akin na ang gusto raw ni Willie ay isang simple na lang na buhay parang ganu’n.

“Pero alam mo, dumarating kasi sa tao ‘yung ganu’n.  Di ba kahit si Sharon Cuneta lagi niyang sinasabi na ‘might as well mabuhay ako ng tahimik na lang?’

Tutal nakaipon naman na sila ng pagkalaki-laking salapi.  Meron na silang ikabubuhay ng daang taon ika nga natin,” saad ni Nanay Cirsty.”

Sundot naman ni Wendell, “at saka may mga mayayaman talagang ganyan na kapag maraming pera, bili ng bili magpatayo ng malaking bahay na mansyon pero habang nagkaka-edad ka na naiisip nila na magpagawa na lang tayo ng maliit.  Aanhin naman natin ang malaking bahay, siguro baka ganu’n din ang naisip ni kuya Will.”

“Saka dumarating sap unto ng aming buhay na gusto naman nating pasayahin an gating sarili.  ‘Yung regaluhan ang sarili natin ng isang simple pero masayang buhay. Aanhin mo nga naman ang mga materyal na bagay sa mundo kung hindi ka naman maligaya?” pangangatwiran naman ni ‘nay Cristy.

Hirit pa ni Wendell, “aanhin moa ng mansyon kung ang nakatira naman ay (tawa na ng tawa).”

Tanong kaagad ni ‘nay Cristy, “aanhin moa ng mansyon kung ang nakatira ay ano?  Ikaw ang naghamon, eh?”

“Hunyango,” sagot ni Wendell.

“Parang wala namang ganu’n” sabi kaagad ni Romel Chika.

At nagkakatawanan na ang tatlo na aanhin ang mansyon kung ang nakatira ay kuwago.

Giit ni ‘nay Cristy, “mas masarap tumira sa kubo kung ang nakatira ay tao.”

“Saka si Willie wala na siyang kakailanganin na materyal na bagay, napagdaanan na niyang lahat, siguro nga gusto na niya ng simple na buhay kasama ang kanyang mga anak at apo,” saad ng SNN main host.

“Deserved naman niya ‘yan para naman ma-experience niya ‘yung pinagtrabahuan niya, pinaghirapan niya (at) ma-enjoy niya,” say naman ni Romel Chika.

“At kung sakali po na nagbebenta na nga si Willie Revillame ng kanyang mga propriedad wala pong problema, siya naman po ang dahilan kung bakit naipon niya ang lahat ng properties na ‘yan. Kung sino ang bumili, siya lang po ang makapagde-desisyon kung kailan niya ibebenta,” diin pa ni nanay Cristy.

Related Chika:
Coco Martin puring-puri ni Cristy Fermin, ikinumpara kay Willie Revillame

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Willie Revillame lilisan na sa GMA, ‘Wowowin’ hanggang February 11 na lang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending