Willie Revillame malaki raw ang nawala ayon kay Cristy Fermin: Sobrang napakalaki po bilang tao | Bandera

Willie Revillame malaki raw ang nawala ayon kay Cristy Fermin: Sobrang napakalaki po bilang tao

Reggee Bonoan |February 25,2023
facebook
share this

Willie Revillame malaki raw ang nawala ayon kay Cristy Fermin: Sobrang napakalaki po bilang tao

Reggee Bonoan - February 25, 2023 - 11:05 PM

Willie Revillame malaki raw ang nawala ayon kay Cristy Fermin: Sobrang napakalaki po bilang tao
ANO kaya ang pinag-usapan ng AMBS (Advance Media Broadcasting System) management at ni Willie Revillame nangfmagkausap sila dahil puro replay na ang programa niyang “Wowowin” sa ALL TV?

Sa “Showbiz Now Na”Youtube channel nina Nanay Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika ay nabanggit na sinagot na raw ang TV host-comedian ng taga-ALL TV.

“Oo sinagot na raw siya (Willie) ng tagapamuno ng ALL TV pero ang sagot sa kanya, ‘babalikan ka namin.’

“Di ba walang kasiguruhan ‘yung (sinabing) babalikan ka namin? Para kang naga-apply sa trabaho di ba? ‘Don’t call us, will call you,”say ni ‘nay Cristy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Willie Revillame – Wowowin (@willrevillame)

Hirit ni Romel Chika, “Pag ganu’n ‘nay ang sagot parang ‘wag ka ng umasa, di ba?”

“Iyon din ang dahilan siguro kung bakit nawalan na siya ng entusiasmo sa pagta-trabaho, di ba?  Baka iyon?” sagot naman ni ‘nay Cristy.

Binanggit ng co-host ni ‘nay Cristy na baka raw nalulunod sa problema ngayon si Willie dahil angkasanga-sanga simula nu’ng manumbat siya at hamunin ang itinuring na ‘’Inay” sa showbiz dahilan kaya kaliwa’t kanan ang mga bira sa kanya ngayon bukod pa sa tinapos na rin ng una ang relasyon nila ng Wowowin host bilang mag-nanay.

Sapantaha rin ng mga taga-subaybay ni Kuya Wil ay nakahihinayang ang pag-alis nito sa GMA 7 dahil maganda ang oras at mataas ang ratings ng Wowowin noon, pero dahil tumanaw siya ng utang na loob sa pamilya Villar kaya nagpaalam siya ng maayos sa Kapuso network.

Sabi ni nanay Cristy, “ang dami pong nagtatanong sa amin kung nasaan na si Kuya Wil bakit laging replay ang Wowowin? Ano po baa ng nangyayari sa kanya?  Ang daming nagsasabi sa atin, one time nasa yate siya bumiyahe ng sa Olongapo?  (Subic), noong one time naman nandoon daw sa Mindoro sa kanyang bahay. Hindi po namin alam kung ano ang kanyang pinagkaka-abalahan ngayon.”

Say ni Romel Chika na kaya hinahanap si Willie ng mga kababayan ay dahil sila iyong mga natutulungan ng huli.

Nabanggit ni nanay Cristy napakalaki ng nawala sa “Wowowin” host, “sobrang napakalaki po bilang tao at talagang hinusgahan siya at naglalabasan ngayon ang mga hindi kagandahang kuwento at lahat ng iyon ay nag-ugat sa ginawa niyang paghahamon at panunumbat.”

Dagdag pa niya, “may nagkomento pa na baka pag nalaman ng ALLTV itong pinaggagawa niya ewan ko lang kung magkaroon pa siya ng tsansa and GMA 7 also pagka (nalaman).  Alam mo na nakatutok naman tayo lahat sa social media, nakatutok tayo sa mga nagaganap, alam nila ang mga nangyayari.”

Opinyon naman ni Wendell ay nakahihinayang marahil sa parte ni Willie dahil pinagawa niya ang studio ng Wowowin sa may Starmall kanto ng Shaw boulevard at EDSA.

“PInaayos niya bilang paghahanda paglipat niya sa studio mula sa Wil Tower hanggang doon sa (bagong studio),” saad ni Wendell.

“Malay naman natin na baka mapalakas naman ng AMBS2 ang kanilang signal at ang kanilang reach.  (Kaya sinabing babalikan ka namin, sabi kay Willie).  Oo saka yung shelved muna.  Kaya sinabing ‘muna’ may pagpapatuloy pa, di ba?  Hindi forever ang pagsasara.

“Malay naman natin kung ganu’n nga ang plano?  Negosyante ang mga Villar.  Malay naman natin kung may nakita pa silang magandang senyales na maipapanalo nila ang laban na ito?”pangangatwiran ni ‘nay Cristy.

“At sana mahanap nila ‘yung signat nan a inaasahan nila, “saad ni Romel Chika na ang ibig niyang sabihin ay ang reach ng ALLTV.

Idinagdad din ni nanay Cristy na ganito nga raw ang ginagawa ng mga Villar na pinalalawak ang kanilang reach mula Luzon, Visayas at Mindanao kasam.a na ang signal

Anyway, may kaklase kami noong High School na dumalaw sa kaanak niyang nakatira sa Wil Tower at kinagabihan ng Pebrero 17, Biyernes ay napuno ng maraming sasakyan ang kalsada ng Scout Albano at may narinig pa silang ingay ng helicopter sa tuktok ng tower.

At dahil may pagka-Marites din ang aming klasmeyt ay nagtanong-tanong siya sa mga tagaroon kung bakit maraming sasakyan na pawang mamahalin at ‘yung ingay nga ng helicopter.

“E, sabi sa akin dumating daw sina Villar at nag-meeting doon sa mataas na floor. Hindi naman nakita si Willie, siguro siya yung naka helicopter.”

Hmm, baka nga nag-face-to-face meeting na sina Willie at ang AMBS management tungkol sa pansamantalang pagpapatigil ng mga programa sa ALLTV.

Balita rin namin ay magbabalik ang lahat ng programa sa Hulyo 2023 at labis itong pinaghahandaan ng taga-loob at mismong hosts ng bawa’t show.

Ang hindi naman malinaw sa amin ay kung ibabalik ang Wowowin dahil hindi natapos pa ang usapan nina Willie at ng AMBS management.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Willie at ng AMBS management.

Related Chika:
Willie Revillame nabiktima uli ng fake news: Kahit anong sabihin n’yo sa akin, masama, walanghiya, wala sa akin ‘yan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Willie Revillame itutuloy na ang Wil Network habang hindi pa bukas ang AMBS, tutuparin ang pangako sa publiko

Ka Tunying umaming nakipag-usap din kay Willie Revillame: Mukhang pipiratahin pa ako…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending