Ka Tunying umaming nakipag-usap din kay Willie: Mukhang pipiratahin pa ako... | Bandera

Ka Tunying umaming nakipag-usap din kay Willie: Mukhang pipiratahin pa ako…

Ervin Santiago |February 08,2022
facebook
share this

Ka Tunying umaming nakipag-usap din kay Willie: Mukhang pipiratahin pa ako…

Ervin Santiago - February 08, 2022 - 03:44 PM

Willie Revillame at Anthony Taberna

NAGKAUSAP na rin pala sina Willie Revillame at Anthony Taberna matapos mapabalitang aalis na sa GMA 7 ang TV host para lumipat sa Advanced Media Broadcasting System Inc. (AMBS) na pag-aari ng dating senador at busines tycoon na si Manny Villar.

Mismong si Ka Tunying ang nagbalita ng tungkol dito sa pamamagitan ng kanyang Facebook Live last Sunday kasabay ng announcement ng GMA na hanggang Feb. 11, 2022 na lang ang “Wowowin” sa Kapuso station.

Ayon sa radio host at news anchor, nagkausap sila ni Willie sa telepono at dito nga sila nagkabalitaan tungkol sa mga kaganapan ngayon sa buhay ng “Wowowin” host.

“Nag-message ako kay Kuya Wil. Sabi ko, ‘Ano po ba ang balita?’ Ang sabi niya sa akin ganito, kabayan ko kasi ito, e, taga-Cabanatuan ‘to si Kuya Wil.

“Sabi niya sa akin, mga kaibigan, magmumuni-muni daw muna siya kung ano ang susunod niyang gagawin dahil mahigit six years na raw siyang nagtatrabaho nang walang pahinga. E, tama din naman na walang pahinga. Grabe, walang pahinga,” simulang kuwento ni Ka Tunying. 

Aniya, deserving naman talagang magpahinga ni Willie dahil nga ilang taon na rin itong dire-diretsong nagtatrabaho at kung saan-saan pang lugar nagpupunta para nga sa kanyang programa.

“Ngayon, balitang-balita po na si Willie Revillame, si Kuya Wil, ay lilipat sa Channel 2, pero hindi sa Channel 2 ng ABS-CBN, kasi yung Channel 2, frequency po ‘yan na nakuha ng grupo ni Senator Manny Villar.

“Sa February 14 na ang test broadcast ng AMBS. Ang pagkakaalam ko pati radio (frequency) yata, kasama sa nakuha ng mga Villar, e. Well, anyway, abangan natin ang susunod na kabanata,” chika pa ni Anthony.

Pagpapatuloy pa niyang kuwento, “E, natawa ako dito kay Kuya Wil, e, mukhang pipiratahin pa ako.

“Mga bossing ko sa DZRH, ha, gusto ko lang ikuwento ito, ang message sa akin ni Kuya Wil kaagad, ‘Hanggang kailan ba ang kontrata niyo sa DZRH?’ Kukunin pa yata ako!” ang natatawa pang pahayag ng radio commentator na galing din sa ABS-CBN tulad ni Willie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nauna rito, balitang nakipag-meeting na rin si Willie sa mga kaibigan niyang sina John Estrada at Aga Muhlach para sa mga paunang projects ng AMBS.

#DamingGanap: Willie, Aga may niluluto nang proyekto para sa TV network ng pamilya Villar

Bagong kontrata ng ‘Wowowin’ sa GMA handa na, pero si Willie ang hindi pumirma, bakit nga kaya?

‘Wowowin’ choreographer naghahanap ng bagong dancers; AMBS bukas na sa mga ‘aspiring talents’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending