Willie nabiktima uli ng fake news: Kahit anong sabihin n’yo sa akin, masama, walanghiya, wala sa akin ‘yan!
KUMALAT sa social media ang chika na pinagsisisihan na raw ngayon ni Willie Revillame ang paglayas sa GMA 7 para pamunuan ang Advanced Media Broadcasting System Inc. (AMBS).
Ang AMBS ay ang bagong pangalan ng Channel 2 na nabili nga ng business tycoon at dating senador na si Manny Villar. Balitang si Willie raw ang magpapatakbo nito kapag nagsimula na itong mag-operate.
Lumabas sa isang news website noong March 26 ang balitang nagparamdam daw uli ang TV host at komedyante sa mga bossing ng GMA upang makabalik sa network. Nagsisisi na raw kasi si Willie na bigla na lang niyahg iniwan ang Kapuso network.
Nakasaad pa sa balitang ipinost ng nasabing online news organization na inip na inip na raw si Willie sa pagkaka-delay ng pagsisimula ng AMBS dahil sa ilang technical problems.
Bukod sa nahihirapan daw ang bagong TV network na makabuo ng daily programming dahil sa kawalan ng talents ay wala pa rin daw studio at transmitter ang istasyon.
Kahapon, March 28, nagsalita na si Willie sa “Wowowin: Tutok Para Manalo” na napapanood sa YouTube at Facebook, tungkol sa nabanggit na issue.
“Hindi ko na papatulan ang mga negative. Kung nakakabasa kayo ng fake news, huwag na lang pansinin ‘yan, naku, mahirap na lang magsalita.
“Hindi ako naaapektuhan diyan, whatever you say, alam namin kung ano ang totoo, ang programang ito ay gumagawa ng paraan para makatulong sa mga kababayan,” simulang pahayag ng TV host.
Pakiusap pa niya sa publiko, “Saka huwag niyo ako isusulat sa bilyonaryo (website), hindi ako bilyonaryo, hindi ako businessman na bilyonaryo, simple lang po ako, masinop lamang ako sa buhay.”
“Last week may mga lumalabas sa diyaryo, sa mga bilyonaryo na news diyan. Dapat reliable ang source niyo, kasi napi-fake news kayo.
“Sayang lang yung news niyo, sulat niyo ako nang isulat, kahit anong sabihin niyo sa akin, masama, walanghiya, wala sa akin ‘yan.
“Basta alam ng Diyos, alam ng aking mga nakakasama kung ano ang pagkatao ko at kung ano ang totoo. Di ba, yun ang importante?” lahad pa niya.
Samantala, dumepensa rin si Willie para sa veteran columnist at radio-TV host at malapit niyang kaibigan na si Nanay Cristy Fermin.
Nagsalita si Nanay Cristy sa YouTube vlog niyang “Showbiz Now Na” kahapon at sinabing nakausap na niya si Willie tungkol sa nasabing fake news.
Sey daw ni Willie sa kanya, “Saan kaya nila nakuha yun? Fake news yun.”
Patuloy na kuwento ni Nanay Cristy, “E, napaka-busy na nga niya ngayon nasa YouTube na siya at FB. Itinutuluy-tuloy na po niya ang kanyang pangako na itutuloy niya ang pagbibigay ng ayuda sa ating mga kababayan.”
Aniya pa, “Eto na sabi ni Willie, ‘Ako, malaki ang utang na loob ko sa GMA-7, in fact nagti-text-an kami ng aming mga kasamahan dati.’
“Nagbabalitaan sila. Pero yung pagbabalik sa GMA-7, wala sa bokabularyo niya.”
Na-shock nga raw si Willie sa lumabas na chika kaya nag-dialogue ang TV host ng, “Ano to laro? Hindi nga ako pumirma ng bagong kontrata tapos babalik din pala ako, dahil mali ang desisyon ko, pinag-isipan kong mabuti yun.’”
Matatandaang umere ang huling episode ng “Wowowin: Tutok To Win” ni Willie sa GMA noong Feb. 11 at kasunod nga nito ang pagkalat ng balita na lilipat na siya sa AMBS.
At hindi lang daw basta talent ang TV host sa pag-aaring network ng pamilya Villar kundi isa rin ito sa magiging executive roon.
https://bandera.inquirer.net/308119/willie-itutuloy-na-ang-wil-network-habang-hindi-pa-bukas-ang-ambs-tutuparin-ang-pangako-sa-publiko
https://bandera.inquirer.net/307353/aga-sa-chikang-pagsama-kay-willie-sa-ambs-im-happy-with-net-25-at-masaya-rin-sila-sa-akin
https://bandera.inquirer.net/295474/ogie-diaz-pumalag-sa-fake-news-na-supporter-ni-marcos-si-liza
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.