Willie Revillame lilisan na sa GMA, 'Wowowin' hanggang February 11 na lang | Bandera

Willie Revillame lilisan na sa GMA, ‘Wowowin’ hanggang February 11 na lang

Therese Arceo |February 05,2022
facebook
share this

Willie Revillame lilisan na sa GMA, ‘Wowowin’ hanggang February 11 na lang

Therese Arceo - February 05, 2022 - 08:50 PM

Willie Revillame lilisan na sa GMA, 'Wowowin' hanggang February 11 na lang

WILLIE REVILLAME

NAGLABAS ng official statement ang GMA Network ngayong Sabado, February 5, patungkol sa nalalapit na pagtatapos ng kontrata ng TV host na si Willie Revillame sa naturang istasyon.

Sa pagtatapos nga ng kanyang programa ay ang pagtatapos rin ng kanyang show na “Wowowin: Tutok To Win”.

“Willie Revillame’s contract with GMA Network is set to end on the 15th of this month. His show Wowowin will air until Friday, February 11.

“We wish him goodluck in his future endeavors,” saad ng GMA sa kanilang inilabas na official statement.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Mayo 2015 nang lumipat si Willie sa Kapuso network.

May mga chikang kumakalat na minabuti na rin daw ni Willie na huwag nang i-renew ang kanyang kontrata sa Kapuso network dahil balak daw nitong umober da bakod sa Advanced Media Broadcasting Systems (AMBS) na pag-aari ni Manny Villar, isa sa mga malalapit na kaibigan at business partner ng TV host.

Kamakailan kasi ay nabigyan ng provisional authority ang naturang media company para gamiting ang dalawang frequencies na dating gamit ng ABS-CBN na nakatakdang mag-test broadcast simula Lunes, February 14.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Willie ukol sa anunsyong inilabas ng GMA Network maging sa mga kumakalat na tsismis na lilipat na siya sa media company ni Villar.

Related Chika:
Willie sa paglipat nina Bea, John Lloyd at Pokwang sa GMA: Pabayaan natin kung saan sila masaya…
Willie umaming nalugi ng P140-M dahil sa ‘Wowowin’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending