Willie nanega dahil sa dialogue na, 'Wag n'yo naman ako madaliin'

Willie nega agad matapos mag-dialogue ng, ‘Wag n’yo naman ako madaliin’

Ervin Santiago - October 17, 2024 - 09:28 AM

Willie nega agad matapos mag-dialogue ng, 'Wag n'yo naman ako madaliin'

Willie Revillame

PINAGPIPIYESTAHAN ngayon sa social media ang naging panayam kay Willie Revillame patungkol sa pagtakbo niyang senador sa 2025 elections.

Natanong kasi ang veteran TV host sa programang “One News” kung anu-ano ang mga panukalang-batas na ipu-push niya kapag nanalo siya bilang senador.

“Wala pa, hindi pa kasi ako nanalo,” ang pahayag ng host ng “Will To Win” sa tanong ng isa sa mga host ng show na si Gretchen Ho.

Baka Bet Mo: Hugot ni Isko: Opo, lumaki akong busabos, ngunit hindi ako naging bastos!

Reaksyon ng mga host, dapat daw sigurong may mabanggit na siyang mga plano dahil baka sabihin sa kanya ng mga botanteng Pinoy na wala pa pala siyang plataporma gayung kakandidato nga siya next year.

Paliwanag ni Willie, “Kapag nanalo na ako doon ko na lang iisipin ‘yon. Wag n’yo muna akong tanungin tungkol diyan, hindi pa ako nananalo. Hindi pa nga ako senador.”

Hirit pa ng TV host, “‘Wag n’yo naman ako madaliin, kaka-file ko lang.” Uunahin daw muna niyang pagtuunan ng pansin kung paano siya mananalo sa eleksyon.

Marami ang nag-react sa sinabing ito ni Willie at karamihan ay nagsabing parang hindi pa talaga siya bandang sumabak sa politika. Sana raw ay may nasabi siya kahit isang plataporma para sa kanyang pagtakbo.

Sa huling araw ng filing ng certificate of candidacy (COC) last October 8, sa The Tent City ng Manila Hotel ay humabol si Willie, sa paghahain ng kanyang kandidatura.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


May nagtanong kay Willie pagkatapos niyang mag-file ng CoC kung ano ang nagtulak sa kanya para kumandidatong senador, sagot niya, “‘Yung mga nakikita ko…away. Awayan nang awayan. Mga edukado.

“Ang tingin nila sa mga artista, eh, masyadong mababa. Aba’y kami may magagandang puso para sa ating mga kababayan.

“Kung makikipag-away ako sa Senado, makikipag-away ako para sa mahirap. Hindi lang batas nang batas, ang batas sa mahihirap ang kailangan natin,” mariing sabi
ng beteranong host.

Patuloy pa ni Willie, “Ano ba ang purpose ng isang senador? Hindi ako abogado, hindi ako nakatapos, pero ang purpose dapat ng bawat senador, bawat nagpa-public servant, bawat namumuno sa local government, mabuting puso ang mayroon ka. Ang lagi mong iniisip ‘yong mga kababayan mo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi pa niya, napakarami na raw nagawang batas ang mga umupong presidente ng Pilipinas pati na ang mga senador at kongresista pero bakit hanggang ngayon ay napakarami pa ring naghihirap na Filipino.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending