Vice Ganda sa pagsabak sa politika: Gusto ko presidente agad!

Vice Ganda sa pagsabak sa politika: Gusto ko presidente agad!

Ervin Santiago - November 04, 2024 - 12:16 AM

Vice Ganda sa pagsabak sa politika: Gusto ko presidente agad!

Vice Ganda at Ion Perez

HINDI paplanuhin ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda sakaling magdesisyon siyang pasukin na rin ang mundo ng politika.

Ito ang naging pahayag ng TV host-comedian nang matanong kung may posibilidad ba na sumabak din siya sa public service tulad ng maraming sikat na celebrities.

Sa panayam sa kanya ng dating manager at content creator na si Ogie Diaz para sa kanyang “Showbiz Updates” YouTube channel, nabanggit ni Vice na kung kakandidato siya ay hindi niya ito paplanuhin.

“Parang hindi ko siya mapaghahandaan. Parang sabi nga nila, calling. Kapag naramdaman mo, naramdaman mo. Ni hindi ko nga siya paplanuhin.

Baka Bet Mo: Angeline ilang beses nang inalok na sumabak sa politika: Why not? Pero…

“Kaya kapag may nagtatanong nga sa akin ‘di ba, niloloko ko. Sabi ko, ‘ayaw ko niyan ang baba (ng posisyon). Gusto ko presidente agad!’” sabi ni Vice.

At kapag dumating na raw yung panahong kakandidato siya, hindi siya mangangampanya at never siyang gagastos para rito. Pinaghirapan daw kasi niya ang lahat ng kinita sa showbiz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


“Hindi ako mangangampanya. Magpa-file ako ng candidacy tapos gagawa akong vlog. ‘Tatakbo po ako ito po ‘yung mga plataporma ko. Kung bet n’yo kong iboto, go. Kung hindi, okay lang din.’ Pero joke lang ‘yun,” sey ng komedyante.

Pero sa totoo lang daw, hindi pa niya talaga nai-imagine ang sarili na nasa politika pero ayaw din niyang magsalita nang tapos dahil baka kainin lang niya ang kanyang sinabi.

Ilang beses nang nabalita na maraming nanliligaw na mga political group kay Vice para tumakbo sa eleksyon pero lahat ng ito ay tinanggihan niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending