Angeline ilang beses nang inalok na sumabak sa politika: Why not? Pero... | Bandera

Angeline ilang beses nang inalok na sumabak sa politika: Why not? Pero…

Ervin Santiago - November 21, 2021 - 08:06 AM

Erik Santos at Angeline Quinto

ILANG beses nang nakatanggap ng offer ang Kapamilya actress-singer na pumasok sa politika at maging public servant.

Ngunit tinanggihan daw ng dalaga ang lahat ng alok sa kanya na sumabak sa mundo ng politics dahil feeling niya wala naman siyang kaalam-alam pagdating sa politika.

“To be honest, there are some people asking, especially in Sampaloc, but I declined,” ang pahayag ni Angeline sa isang virtual interview.

Dagdag pa niya, “I don’t want to enter something I don’t know anything about. Ayoko naman ng ganu’n. Baka mamaya, ano lang ang gawin ko doon!”

Sey pa ng Kapamilya biritera, two years ago pa siya nakakatanggap ng offer para tumakbo ngayong 2022 elections pero diretsahan nga niya itong tinatanggihan.

View this post on Instagram

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)


Palagi raw niyang naaalala ang advice sa kanya ng yumao niyang nanay na si Mama Bob na huwag siyang basta papasok sa magulong mundo ng politika hangga’t wala sa puso niya ang magsebisyo sa publiko.

Sey ni Angeline, “She told me, ‘It’s too early for that. And why would you enter politics when you already have your hands full with work?’”

Ngunit ipinagdiinan naman ng dalaga na ayaw niyang magsalita nang tapos tungkol sa usaping ito dahil hindi naman niya kontrolado ang mangyayari bukas.

“I thought, ‘Wherever God’s guidance leads me…’ if it will give you a wider reach to help others, why not? I just can’t make a decision right now, but I’m not closing myself up,” paliwanag ni Angeline.

* * *

Swak para sa mga nami-miss makasama ang mga mahal nila sa buhay ngayong Pasko ang bagong Christmas single ni Erik Santos na “Paskong Kayakap Ka” mula sa Star Music ng ABS-CBN.

“Dahil sa pandemya, maraming tao tayong nami-miss at gustong makasama at mayakap na matagal na nating hindi nakikita—Kapamilya, malalapit na kaibigan, kasintahan, at mga mahal sa buhay. Ngayong darating na kapaskuhan, sino ang gusto mong kayakap?” ani Erik sa Instagram, kung saan nag-post din siya ng picture at video kasama ang pamilya niya.

Isinulat ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang “Paskong Kayakap Ka,” na tungkol sa kagustuhan na makapiling ang mga espesyal na tao sa iyong buhay para mas maging masaya ang selebrasyon ng Pasko. Maririnig sa kanta ang soft piano instrumental na mas pinaigting ang ‘nostalgic’ mood nito.

Hindi napigilan ng netizens sa YouTube na ibahagi ang mga kwento nila at kung paano sila nakaka-relate sa kanta dahil ilang Pasko na rin nilang hindi nakakasama ang ilang mahal nila sa buhay.

“Sobra naman ‘to huhu. 8 years na palang ‘di ko kasama mother ko, another Christmas na wala siya,” comment ni Julius Daganzo.

Sabi naman ni Ricky Parco, “Pang-6th year na hindi kasama family sa Pasko. OFW from Taiwan.”

Nito lang Oktubre, inilabas ng ‘King of OPM Theme Songs’ ang bersyon niya ng worship song na “Sigaw Ng Puso” tungkol sa pagsunod sa plano ng Diyos sa kabila ng maraming unos sa buhay. Regular siyang napapanood bilang host at performer sa “ASAP Natin ‘To.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/281218/angeline-nahawa-ng-covid-sa-taong-nakasabay-sa-pagkain-siguro-napabayaan-ko-rin-ang-sarili-ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending