Cristy Fermin 'pambansang kahihiyan' raw ang ginawa ni Willie sa kanila nina Ogie at Gab: 'Yang bibig mo itikom mo! | Bandera

Cristy Fermin ‘pambansang kahihiyan’ raw ang ginawa ni Willie sa kanila nina Ogie at Gab: ‘Yang bibig mo itikom mo!

Therese Arceo |February 14,2023
facebook
share this

Cristy Fermin ‘pambansang kahihiyan’ raw ang ginawa ni Willie sa kanila nina Ogie at Gab: ‘Yang bibig mo itikom mo!

Therese Arceo - February 14, 2023 - 03:51 PM

Cristy Fermin 'pambansang kahihiyan' raw ang ginawa ni Willie sa kanila nina Ogie at Gab: 'Yang bibig mo itikom mo!
HANGGANG ngayon ay mainit pa ring usapin ang nangyari sa pagitan nina Willie Revillame at ng kanyang nanay-nanayan na si Cristy Fermin.

Matatandaang kamakailan ay nag-trending ang dalawa dahil sa sagutan patungkol sa diumano’y panunumbat ni Willie sa mga taong kanyang natulungan.

Kaya naman sa episode kahapon ng “Cristy Ferminute” ay natalakay muli nila ito pati na rin ang iba pang personalidad na pinaringgan raw ni Willie na sina Ogie Diaz at Gab Valenciano.

Aniya, labis raw siyang nasaktan sa mga sinabi ni Willie sa kanyang programang “Wowowin” at hindi raw basta basta mawawala.

“Pambansang kahihiyan po ang aming inabot nina Ogie Diaz at Gab Valenciano, yun po ay hindi mahihilot. Yun po ay hindi pupwedeng daanin lang basta sa ganito na lang. Masakit pong masyado. Kaya para matigil na, ibalik sa kanya ang kung ano mang isinusumbat niya,” pagbabahagi ni ‘Nay Cristy.

Dagdag pa niya, “At Willie, si Ogie Diaz ay ibang klaseng tao na, kung nilalait-lait mo siya ngayon, kung noon ay wala kang respeto sa kanya, tumigil ka. Yang bibig mo, itikom mo. Milyonaryo na si Ogie Diaz, pero hindi niya ipinagiingay, hindi niya ipinagsasasabi ang mga tulong na naibibigay niya sa maraming foundation.”

Giit pa ni ‘Nay Cristy, ang pagtulong raw ng talent manager ay hindi na niya pinapangalandakan sa iba.

“Hindi siya nagpupunta sa isang lugar, may dalang camera, na andun ka pa lang at nagbibigay ng ano eh sinasabihan ka na ng, ‘I-edit niyo na yan! I-edit niyo na agad-agad yan! Bukas ipapalabas na yan!’

“Hindi ganun si Ogie. Tahimik lamang siyang tumutulong. Ang kanyang pagtulong ay mula sa puso‌, hindi mula sa nguso,” lahad ni Cristy.

Mukhang matagal-tagal ang isyung ito lalo na’t inamin niyang talagang nasaktan siya sa ginawa ni Willie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Willie Revillame – Wowowin (@willrevillame)

Bagama’t nagkausap na sila at humingi na ng tawad ang “Wowowin” host ay sinabi ni ‘Nay Cristy na kaya niyang magpatawad ngunit hindi siya nakalilimot.

Related Chika:
Cristy niresbakan si Willie, isasauli ang pinaghirapang condo: Bago ka magsalita mag-isip ka muna! Pero kung gusto mo ng giyera nakahanda ako!

Ogie Diaz ‘binanatan’ si Willie Revillame: Sana na-happy siya sa kanyang panunumbat

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin: ‘Anong utang na loob ang dapat kong tanawin sa ‘yo? Magbilangan tayo Willie Revillame!’

Willie ayaw daw munang magtrabaho; Cristy sa sulsulerang staff ng TV host: ‘Ikaw na beki ka, ‘yang dila mo putulin mo!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending