Cristy niresbakan si Willie, isasauli ang pinaghirapang condo: Bago ka magsalita mag-isip ka muna! Pero kung gusto mo ng giyera nakahanda ako! | Bandera

Cristy niresbakan si Willie, isasauli ang pinaghirapang condo: Bago ka magsalita mag-isip ka muna! Pero kung gusto mo ng giyera nakahanda ako!

Reggee Bonoan |February 08,2023
facebook
share this

Cristy niresbakan si Willie, isasauli ang pinaghirapang condo: Bago ka magsalita mag-isip ka muna! Pero kung gusto mo ng giyera nakahanda ako!

Reggee Bonoan - February 08, 2023 - 04:37 PM

Cristy niresbakan si Willie, isasauli ang condo: Bago ka magsalita mag-isip ka muna! Pero kung gusto mo ng giyera nakahanda ako!

Willie Revillame at Cristy Fermin

BUMUGA ang bibig ni Willie Revillame kahapon sa programa niyang “Wowowin” para sumbatan ang mga taong aniya’y natulungan niya sa showbiz industry na ngayo’y sinisiraan daw siya.

Dahil lang pala sa nabasang titulo sa isang vlog na hindi naman pala napanood nang buo at obviously, si Nanay Cristy Fermin ang tinutukoy ni Willie na walang ginawa kundi ipagtanggol siya sa mga bashers.

Hindi ito pinalampas ng radio host dahil sa programang “Cristy Ferminute” ngayong hapon na napakinggan sa Radyo5 News FM 92.3 ay detalyadong sinagot ni ‘Nay Cristy ang mga bira ni Willie.

Pinanood muna ni ‘Nay Cristy ang “Wowowin” nang buo para malaman niya ang mga sinabi ni Willie.

“Pinanood ko po, may sinabi siya na isang reporter ng ABS-CBN na kumandidatong konsehal na tinulungan daw niya, may celebrity daw na binira siya, e, itong celebrity na ito, eh, maka-Diyos pa ang datingan at nu’ng ikasal daw ang kapatid, e, tumira pa yata ang mga magulang sa bahay niya.

Willie Revillame: Hindi ko kayang pumirma sa GMA tapos nagta-trabaho ako sa ibang channel

“At meron daw isang tao na, ‘binigyan ko pa nga ‘yan ng condo unit, eh, binigyan ko pa ng sasakyan tapos tatawagin akong mayabang?’

“Kaninang umaga po ay tinext ko po si Willie Revillame ang sabi ko, ‘sana lang pinanood mo nang buo ang mga sinabi ko sa CFM tungkol sa ‘yo. ‘Yung terminong mayabang sinabi ko ‘yun, pero iba pala ang interpretasyon mo.

“Kahapon, ipinagtanggol pa naman kita tungkol sa ABS-CBN, bago ka magsalita mag-isip ka muna! Pero kung gusto mo ng giyera sa kabila ng pagmamalasakit ko sa ‘yo NAKAHANDA AKO!!!’

“Dahil po dito ay tumawag siya.  Unang sagot ko palang…hindi ko alam kung paano ko ilalarawan ang mga salita ko. Lahat siguro ng mga binitiwan kong salita kaninang umaga patungkol sa kanya bilang sagot (ay) ‘yung mga bagay na ayaw niyang marinig na sa unang pagkakataon ay ipinatikim at pinalasa ko sa kanya (Willie).

“Unang-una po mga kapatid ang pinakaayaw ko po ‘yung nanunumbat. Sabi ko nga ang mantra ng buhay ko, anumang ginagawa ng ating kanang kamay ay hindi na dapat pang ipinaalam sa kaliwa.

“Ngayon kung tutulong po tayo at isusumbat lang pala natin pagdating ng panahon, ‘wag na lang tayong tumulong, ‘yun lang naman ‘yun di ba?

“Sa pagsasalita ko nang dire-diretso, nakiusap siya kaagad, ‘Sandali! Magpapaliwanag ako, magpapaliwanag ako. Nag-iisa lang ako, wala akong nakakausap.’

“Hindi mo kailangang magpaliwanag sabi ko sa kanya. ‘Titirahin mo ako mamaya!’” sabi raw ni Willie.

Sinagot ni ‘Nay Cristy ng, “Hindi kita titirahin, magsasalita lang ako pero hindi kita bibirahin dahil ipararamdam ko sa ‘yo kung ano ang tunay na kahulugan ng pagmamahal at pagmamalasakit.”

Tinanong ng “Inang” ni Willie sa showbiz kung pinanood nito nang buo ang “Cristy Ferminute” kung paanong pagtatangol ang ginagawa sa kanya sa mga nagsasabing mayabang ang “Wowowin” host.

“Hindi raw. Ang nagsulsol sa ‘yo ay mga taong takot magutom kapag nawala ka. Ito’y mga taong YES PEOPLE. Ito ‘yung mga taong kapag nawala ka ay hindi sila kakain dahil hindi po tama.

“Parang kolum, title pa lang ang naririnig nagwawarla na! Title palang ang nababasa nagwawala na! Hindi muna tingnan ang kabuuan.

“Ano ang nangyari sa ‘yo? Pati ang mga reporters na tinulungan mo nu’ng pandemya, isinudsod mo sa kanila ngayon. ‘Wag ka na lang tutulong kung pagdating pala ng araw isusumbat mo lang.

Ate Vi nabiktima ng prank call sa ‘Wowowin’: Luka-luka! Willie, sira-ulo mo ha?!

“Sabi niya, ‘hindi ganito kasi ‘yan ako ang binibira! Ako ang binibira ng mga tao dahil sa pagsasara raw ng AMBS (Advance Media Broadcasting System).’

Tanong daw ni Nanay Cristy, “Bakit hindi mo alam na magsasara na ang inyong istasyon?’ Wala raw kumakausap sa kanya, tumatawag daw siya wala raw gustong makipag-usap sa kanya.

“Yun ang sabi niya (Willie), sabi ko ikaw na lang ang hindi nakakaalam. Hindi tama ‘yan dapat kausapin mo sila. Araw-araw daw po siyang tumatawag pero walang gustong makipag-usap sa kanya,” ang paliwanag ng radio at online host.

Gigil pang sabi ni Nanay Cristy, “Hindi mo pala napanood nang buo itong CFM February 6 at February 7, magwawarla ka na kaagad?  Magsasalita ka na kaagad ng kung anu-anong panunumbat?”

At dito na inamin ni ‘Nay Cristy na siya pala ang binanggit na binigyan ng sasakyan at condo unit sa Will Tower.

“Bakit hindi mo ikuwento kung saan nanggaling ang sasakyan at ‘yang condo unit na mula nu’ng 2017 na hanggang ngayon na nagsasalita ako, minsan ko lang nakita nu’ng lagyan ko ng mga muwebles at ng mga paintings!

Pagbabalik ni John Lloyd sa GMA dumaan sa butas ng karayom; Willie walang makakasundong babae

“Never akong nagpunta doon ulit kahit tanungin n’yo ang guwardiya n’yo at tagapamahala ng building.  Hindi ko pinuntahan ‘yan kahit minsan! Ano ‘yung sasakyan? Tayo ang nagtulung-tulong para makapasok ka dito sa TV5 (Wowowillie, 2013)!

“Anong sabi ni boss Vic del Rosario? Dapat kumukuha ka kay Willie dahil ikaw ang nagpasok sa kanya dito.  Dapat kumukuha ka sa kanya ng 20% monthly.

“Hindi ko po ginagawa ‘yun! Ang aming kasunduan, pera o sasakyan. Doon po (nagmula) ‘yun! Kaya nangyari ‘yun. Pero pinaghirapan k po ‘yan at hindi ko hiningi at sa kanya nanggaling.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ngayon pinaplano ko, sinabi ko kay Revo (anak ni Nanay Cristy) pagkatapos ng pagkakataong ito kukuha ako ng papeles ibabalik ko kay Willie Revillame ‘yung pinaghirapan kong condo unit na ‘yan kahit may transaksyon pa kami. Wala na ‘yung sasakyan naibenta ko na, wala na napalitan ko na!” dire-diretsong kuwento ni Nanay Cristy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending