Ate Vi nabiktima ng prank call sa 'Wowowin': Luka-luka! Willie, sira-ulo mo ha?! Bandera

Ate Vi nabiktima ng prank call sa ‘Wowowin’: Luka-luka! Willie, sira-ulo mo ha?!

Ervin Santiago |April 26,2022
share this

Ate Vi nabiktima ng prank call sa ‘Wowowin’: Luka-luka! Willie, sira-ulo mo ha?!

Ervin Santiago April 26, 2022 - 11:13 AM

ALIW na aliw ang mga supporters nina Vilma Santos at Willie Revillame sa nakakalokang “prank call” na naisip ni Luis Manzano.

Game na game na nag-guest si Luis sa “Wowowin” ni Willie na napapanood via live streaming sa Facebook at YouTube kahapon, April 25.

Mapapanood sa video ang pag-dial ni Luis sa cellphone number ng kanyang ina pero si Willie nga ang nakipag-usap sa Star for All Seasons.

Simulang hirit ng TV host-comedian, “Kayo po ba si Ate Guy (Nora Aunor)? Hello Ate Guy?”

Sagot ng actress-politician sa kabilang linya, “Hindi… ako si… yeah, tama, you’re right Noranian!” Pero in fairness kay Ate Vi, mabilis niyang nabosesan ang host ng “Wowowin.”

“Ay, si Willie ka! Luka-luka! Willie, sira-ulo mo, ha? Hi Willie, how are you?” ang chika ni Vilma. “Hi Willie, kumusta na? I love you! I miss you.”

Dito, nabanggit ng host-comedian kay Luis na isa si Ate Vi sa tumayong ninang sa kasal nila ni  Liz Almoro noong June, 2005.

“Ninang kayo nu’ng pangalawa, di ba? Alam n’yo ano ang nangyari? Hiwalay!” ani Willie na ikinahagalpak nina Vilma at Luis.

Ninong din kasi si Willie sa wedding nina Luis at Jessy Mendiola na ginanap sa Lipa City, Batangas noong February, 2021.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)


Hirit naman ni Ate Vi, “Willie, I just want to congratulate you. Maraming-maraming salamat sa ginagawa mong sharing sa mga kababayan nating nangangailangan. Ibang klase ka talaga.

“That’s the only way na pasasalamat natin sa mga taong nilagay tayo kung saan tayo ngayon. Yun bang payback time,” aniya pa.

Sa mga hindi pa aware, matagal nang friends sina Willie at Luis pero ito ang unang pagkakataong bumisita ang mister ni Jessy sa digital show ni Willie.

Matatandaang magkatapat noon ang timeslot ng kani-kanilang TV show, ang “Minute to Win It” ni Luis sa ABS-CBN at ang “Wowowin” ni Willie sa GMA 7.

“Alam n’yo po, nagkakataon na magkatapat yung mga programa namin, e, talagang hindi nawala yung pagkakaibigan namin ni Tito Wils. Ang gusto lang namin, tumulong, magpasaya. Yun lang,” ani Luis sa guesting niya sa “Wowowin.”

Pag-amin namqn ni Willie, “Baka hindi nyo alam, nagmi-meeting kami dito at nag-uusap kami. Ang nakakatuwa kay Luis, e, nagsi-seek siya ng advice sa akin.

“Itong batang ito, very honest, very humble. Nakikita ninyo na masayang-masaya ito, ang puso nito, napakababang-loob sa ating mga kababayan,” ani Willie.

Luis hinamon si Derek: Mag-video call tayo nang hubo’t hubad!

B-day message ni Jessy kay Luis: Super proud ako na tawagin kang husband ko

Piolo nabiktima ng nakakalokang prank call ni Bea: Adik ka! Yun na yun!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending