Willie ayaw daw munang magtrabaho; Cristy sa sulsulerang staff ng TV host: 'Ikaw na beki ka, 'yang dila mo putulin mo!' | Bandera

Willie ayaw daw munang magtrabaho; Cristy sa sulsulerang staff ng TV host: ‘Ikaw na beki ka, ‘yang dila mo putulin mo!’

Reggee Bonoan |February 13,2023
facebook
share this

Willie ayaw daw munang magtrabaho; Cristy sa sulsulerang staff ng TV host: ‘Ikaw na beki ka, ‘yang dila mo putulin mo!’

Reggee Bonoan - February 13, 2023 - 05:37 PM

NAG-REPLAY ang programang “Wowowin” nu’ng isang araw dahil may sakit daw si Willie Revillame, base sa ipinadalang mensahe kay Nanay Cristy Fermin na binasa niya sa radio program nila ni Romel Chika na “Cristy Ferminute” sa Radyo 5 92.3 News FM.

Sabi ni Nanay Cristy kay Romel, “Di ba may nag-text sa akin na dating kaibigan ni Willie Revillame, binasa ko ang text na nadinig ninyo ni Wendell (Alvarez) sa taping natin (Showbiz Now Na), ang sabi niya (dating kaibigan) replay daw ang ipinalabas na Wowowin nu’ng isang araw dahil ang sabi may sakit daw si Willie. Pero ang totoo, nasa yate ayaw magtrabaho, siguro nalulungkot, nagpapahinga parang ganu’n.”

Sapantaha namin ay baka hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-get over si Willie sa nangyari sa kanila ni ‘Nay Cristy at nadadagdagan pa itong problema sa ALLTV na balitang hindi pa siya kinakausap ng AMBS management tungkol sa mga programang pinahihinto muna.

Anyway, ang taong naging mitsa ng gulo nina ‘Nay Cristy at Willie ay pinagalitan daw nang todo ng huli.

Ayon kay ‘Nay Cristy, “Yun daw pong nagsulsol kay Willie ng kung anu-ano kaya sumiklab ‘yung galit niya na clickbait siya ayon sa kanya, sinabon ng todo-todo at pinagpahinga na.

“Alam mo totoo ‘to Romel, eh. Kung mahal mo at pinagmamalasakitan ang iyong boss, ang iyong kaibigan dapat hindi mo siya binibigyan ng mga makakapagpasiklab ng kanyang damdamin.

“Kasi una, si Willie ang nakasalang sa harap ng mga kamera, siya ang napapanood hindi tama ‘yung (sinabing) ‘na-clickbait ako, e, ‘yun ang nakarating sa akin’, mali ‘yun!

“Sabi ko nga, ang nakikinig sa sabi-sabi walang bait sa sarili. Titiyakin ko po na talagang ganu’n ang ginawa ni Willie do’n sa tao na binanggit ng ating texter.

“Itong binanggit niyang beki na ito, reklamo nang reklamo ‘yan tungkol kay Willie kesyo ginaganito raw siya ng kuya niya, kesyo ganyan. Ginagawa raw siyang alila pero nandoon pa rin naman hindi umaalis dahil sabi ko nga natatakot magutom, kaya yes men silang lahat na nakapalibot.

“Ikaw na beki ka, ‘yang dila mo putulin mo. Ilang beses nang nalalagay si Willie sa alanganin dahil sa mga pagsusulsol mo. Ang kuya mo naman na ewan ko kung bakit nakikinig sa ‘yo, ayan kayong dalawa ngayon ang nagkakaproblema.

“Hayan sinabon-sabon siya at pinalayas na. Lagi namang ganu’n ang senaryo pag nagalit si Willie bigla na lang tatanggalin.

Ilang cameramen na ba ang tumatawag sa atin na kesyo may sulsol na ganito, may sulsol na ganyan hindi man lang hinihingi ang kanilang opinyon, ang kanilang katwiran, ang kanilang depensa basta na lang sila tatanggalin.

“Kaya itong mga taong ito na nagsusulsol tumigil na kayo walang mangyayari sa kakasulsol ninyo.  Tingnan ninyo hindi ninyo kinumpleto ang kuwento, na-clickbait ang kuya n’yo,” aniya pa.

Nakarating na rin daw kay Willie na naghakot na si ananay Cristy ng mga gamit niya sa condo na ibinigay daw ng “Wowowin” host.

“Opo, ito po ay ginawa ko bilang paglalagay ng tuldok sa mga usap-usap na para wala nang isinusumbat sa atin, di ba? Naghakot na po kami at naiwan na lang ay aircon, isang malaking mesa at saka kama dahil hindi po kaya ng sasakyan pero babalikan po namin.

“Sabi ko nga sa SNN na ipalalabas bukas (Martes) kung barubal po ang aking bibig na tulad ni Willie Revillame puwede ko pong sabihin na, ‘o, eto na ‘yung condo mo, isaksak mo sa baga mo.’ Pero hindi po kasi ako kasing barubal ni Willie Revillame.

“Ito po ay tanda lang ng paglalagay ng tuldok sa mga bagay-bagay na hindi naman natin hiningi, hindi naman natin ipinangmakaawa pero isinumbat sa atin.

“Pambansang kahihiyan po ang inabot namin ‘yun po ay hindi mahihilot, ‘yun po ay hindi pupuwedeng daanin sa basta ganito na lang masakit po masyado. Kaya para po matigil, ibalik sa kanya kung anuman ang isinusumbat niya,” diin ni Nanay Cristy.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Willie Revillame tungkol sa isyung ito.

Related chika:

Cristy Fermin: ‘Anong utang na loob ang dapat kong tanawin sa ‘yo? Magbilangan tayo Willie Revillame!’

Ogie Diaz ‘binanatan’ si Willie Revillame: Sana na-happy siya sa kanyang panunumbat

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy niresbakan si Willie, isasauli ang pinaghirapang condo: Bago ka magsalita mag-isip ka muna! Pero kung gusto mo ng giyera nakahanda ako!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending