Willie Revillame magkakaroon sana ng show sa TV5, hindi natuloy dahil sa talent fee? | Bandera

Willie Revillame magkakaroon sana ng show sa TV5, hindi natuloy dahil sa talent fee?

Reggee Bonoan |July 29,2023
facebook
share this

Willie Revillame magkakaroon sana ng show sa TV5, hindi natuloy dahil sa talent fee?

Reggee Bonoan - July 29, 2023 - 08:50 AM

Willie Revillame magkakaroon sana ng show sa TV5, hindi natuloy dahil sa talent fee?

KAMAKAILAN lang ay may viral video si Willie Revillame ng bago niyang awiting “Babalik Ako” na tila nagpapahiwatig na muli siyang mapapanood sa telebisyon.

May mensahe pang, “Nami-miss ko na ang inyong hiyawan. Nami-miss ko na ang inyong palakpakan at nami-miss ko na ang inyong mga yakap.”

Kaya mas lalong nagduda ang netizens na isa sa mga araw na ito ay babalik na nga si Willie bilang host ng programa niya na hindi lang alam kung ano ang titulo.

Pero ilang linggo na ang nakalipas ay wala pang update kung ano na ang nangyari sa hint ng “Wowowin” host pero may video na kumalat sa social media kung saann kasama niya ang kaniyang staff habang nagmi-meeting. Babalik daw ang “Wowowin” sa YouTube at Facebook live.

Ipinagdiinan niyang wala siyang TV network kundi sa FB at YT lang siya mapapanood ng live.

Pero sa “Showbiz Now Na” vlog kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez na in-upload nitong Huwebes ay inireport ni Nanay Cristy Fermin na nakipag meeting pala si Willie sa TV5 management para i-produce ang programa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Ito palang si Willie Revillame ay gagawa ng show sa TV5. Hindi po natin alam na mayroon pala siyang kinakausap na tao para ipasok siya sa TV5. Dapat pala ay magkakaroon na talaga ng katuparan ang kanyang kagustuhan kaya lang hindi sila nagkasundo.

“Hindi yata ako pupuwedeng maglatag ng mga detalye, basta tungkol ito sa talent fee. Kasi before nakailang taon din siya sa TV5, tatlong taon?” pahayag ni ‘nay Cristy.

Ipinakita sa SNN ang poster ng dating programa ni Willie sa TV5 na “Wowowillie” na napapanood tuwing 11:30 ng umaga na produced ng Kapatid network.

Inakala naman ni Wendell na Viva TV produced ito kaya’t kinurek kaagad siya ni ‘nay Cristy, “hindi, TV 5 ‘yun (solong producer).”

Going back sa naganap na negosasyon ni Willie sa taga-TV5. Say ni nanay Cristy, “Ang gusto pala ni Willie co-production (with TV5). Magkoko-produce nu’ng hindi magkasundo ng co-production gusto niya i-produce siya ng TV5 (at) talent lamang siya. Station produced dapat at hindi blocktime.

“Kasi siyempre puwede naman siyang tanggapin (um-oo naman sina Romel Chika at Wendell) why not, di ba? Pero bibilhin mo ‘yung oras, iyo ‘yung produksyon. Ang gusto pala mangyari ni Willie ay siya ay susuwelduhan ng istasyon sa presyong talaga namang nakakalula.”

Sabi nina Romel Chika at Wendell ay ganu’n daw pala ang nangyari.

Sagot agad ng SNN host, “Oo kaya hindi natuloy. Pero kung pumayag siya na bibigyan siya ng show sa gabi na parang Jay Leno (American TV host/comedian). Pag Jay Leno kasi parang Martin After Dark (Martin Nievera show).”

“Puwede na ‘yun (gabi na) para kahit na anong sinasabi ni Willie hindi na masyadong (delikado) kasi tulog na mga bata,” opinyon naman ni Romel Chika.

Baka Bet Mo: Willie Revillame magbabalik na, PTV magiging daan nga ba sa kanyang comeback?

Ang kaso ang gustong mangyari ng TV host ay, “ang gusto niya ay mamimigay pa rin siya pa-premyo at tulong sa ating mga kababayan. Puwede rin naman ‘yun kapag matindi ang pangangailangan mo kahit anong oras ‘yan tatawag ka (sa mga televiewers)”

Sabi pa na kahit late na umere si Willie ay tiyak na marami pa ring maga-abang lalo na yung mga nangangailangan at hoping na sila ang matawagan ng host para mabigyan ng premyo.

Biro ni Wendell, “Oo aabangan ko talaga na aabangan ako ni Kuya Wil lalo’t mahigpit ang pangangailangan ko.”

“Sayang, e. ito siguro ‘yung sinabi niyang babalik na siya,” sambit ng CFM at SNN host.

Tanong ng co-host na si Romel Chika,“E, paano na wa;a na?”

“Wala na, babalik siguro siya sa original plan niyang YouTube at FB (live). Palagay ko hindi na ulit ito magkakaroon ng pag-uusap (Willie at TV5) kasi ang gusto ni Willie susuwelduhan siya ng istasyon,”sagot ni ‘nay Cristy.

Dagdag pa ni nanay Cristy,“wala talagang forever ‘no? Sino maga-akala na (darating sa ganitong buhay si Willie). Parang ABS-CBN, nawalan ng prangkisa. Sinong mag-iisip no’n. Sinong mag-iisip na ang isang Willie Revillame walang istasyon ngayon?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Willie Revillame.

Related Chika:
Willie Revillame biglang nagparamdam, magkakaroon rin kaya ng noontime show: Babalik ako

Willie sumabog na: ‘Hindi na ako matatakot sa inyo! Laban na kung laban… masyado n’yo na akong inaapi at sinasaktan!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending