Willie Revillame magbabalik na, PTV magiging daan nga ba sa kanyang comeback? | Bandera

Willie Revillame magbabalik na, PTV magiging daan nga ba sa kanyang comeback?

Therese Arceo |July 26,2023
facebook
share this

Willie Revillame magbabalik na, PTV magiging daan nga ba sa kanyang comeback?

Therese Arceo - July 26, 2023 - 07:57 PM

Willie Revillame magbabalik na, PTV magiging daan nga ba sa kanyang comeback?
HOW true nga kaya ang chika na magaganap ang pagbabalik ng TV host at komedyanteng si Willie Revillame sa PTV?

Usap-usapan kasi ngayon ito sa online world matapos maispatan ang “Wowowin” host sa PTV-4 compound kasama ang mga news anchors na sina Aljo Bendijo at Diane Querrer.

“Daghang salamat sa pagbisita sa PTV, Willie Revillame. Syempre, di rin pahuhuli para magpa picture ang mga gwapang news anchors na sina Diane Querrer, Angelique Lazo at PTV General Manager, Ms. Ana Puod.
Paparating na daw ang mga jacket. Bira na! Pusang iring,” caption ni Aljo.

Kaya naman mas na-curious ang madlang pipol kung sa PTV nga ba magaganap ang kanyang comeback.

Nagkaroon rin ng Facebook live si Willie noong July 18 kung saan namigay siya ng limang libo sa bawat callers.

Makikita rin sa background ng “Wowowin” host ang mga bukas na LED monitor at mapapansing tila kumpleto ang kanyang staff at mayroong importanteng pinag-uusapan.

At bago nga matapos ang kanyang FB live ay inihayag ni Willie ang nalalapit niyang pagbabalik matapos ang kanyang ilang buwang pagpapahinga.

“Ngayon ay Tuesday, 18 of July, ilang tulog na lang ho, babalik na po ang programa niyo. Inaayos ko lamang po na makakuha tayo ng mga sponsors.

Baka Bet Mo: Willie Revillame biglang nagparamdam, magkakaroon rin kaya ng noontime show: Babalik ako

 

“Kinakausap ko lang po ang ilang mga kaibigan na makatulong sa programa. Alam mo naman ho na pag walang telebisyon, walang masyadong kita. Walang commercials. Humihingi ako ng tulong sa aking mga kaibigan na nangako, di ba?” pagbabahagi ni Willie.

Aniya, sana raw ay matuloy ito para naman may maibigay siyang papremyo para sa mga kababayang nangangailangan nito.

Ayon pa kay Willie, hindi raw sila lalabas sa TV station at mapapanood lamang sila sa social media tulad ng Facebook at YouTube.

“So, ang gagawin ho natin, gagawa kami ng paraan, magmi-meeting kami… then pag-usapan namin kung ano ang gagawin sa pagbabalik ng Wowowin.

“Uulitin ko po, para malaman ang totoo, wala po kaming channel. Walang Channel 5 o Channel 7 or Channel 2, walang channel na kahit ano. Babalik po ako through social media, Facebook at YouTube lang po. Yan yung totoo. On my own, gagawin… itutuloy ko to sa abot-kaya namin,” giit ni Willie.

Sinabihan na rin daw niya ang kanyang magiging co-hosts at at staff na hindi kaparehas ng sinasahod nila noon ang kanilang matatanggap.

Lahad ni Willie, “Even me, wala po akong maging suweldo rito. Gagawin ko lang po ito para maibabalik ang pagbibigay ng saya natin, yung tunay na saya, hindi yung saya na sayawan lang, yun na.

“Yung tunay na saya na nagbibigay ng tulong. Yung tunay na saya na galing sa puso.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
True ba, si Willie Revillame raw ang lumapit sa pamilya Jalosjos para ialok sa TAPE ang ‘Wowowin’?

Lolit Solis sa karera ngayon ni Willie Revillame: Sa isang iglap bilang naging laos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending