True ba, si Willie Revillame raw ang lumapit sa pamilya Jalosjos para ialok sa TAPE ang 'Wowowin'? | Bandera

True ba, si Willie Revillame raw ang lumapit sa pamilya Jalosjos para ialok sa TAPE ang ‘Wowowin’?

Reggee Bonoan |July 05,2023
facebook
share this

True ba, si Willie Revillame raw ang lumapit sa pamilya Jalosjos para ialok sa TAPE ang ‘Wowowin’?

Reggee Bonoan - July 05, 2023 - 05:28 PM

True ba, si Willie Revillame raw ang lumapit sa pamilya Jalosjos para ialok sa TAPE ang 'Wowowin'?

HINDI naniniwala si Nanay Cristy Fermin na si Willie Revillame ang humingi ng meeting sa magkapatid na Romeo Jalosjos, Jr. o Jonjon at Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos na ginanap sa isang lugar sa Bonifacio Global City (BGC) noong Biyernes.

Kuwento nito sa “Cristy Ferminute” program nila ni Romel Chika kaninang tanghali na napapakinggan sa Radyo5 92.3 TRUE FM at napapanood sa One PH YouTube channel ay may tumawag daw sa kanya tungkol dito.

“Uy, di ba, ibinalita natin dito (CFM) na si Willie Revillame ay kinausap ng magkapatid na Jalosjos para maging special guest para tatapatan ang unang sultada ng Tito, Vic and Joey at Dabarkads dito sa TV5, hindi pumayag si Willie, di ba?

“Ngayon baligtad na ang kuwento na ayon sa ilang sources, si Willie raw ang nakipag-usap sa mga Jalosjos. Siya raw ang gumawa ng paraan para magkita-kita sila sa BGC no’ng nakaraang Friday dahil inaalok daw ni Willie ang programa niyang ‘Wowowin’.  Baligtad na (ang kuwento),” ang kuwento ni ‘Nay Cristy.

Tanong kaagad ni Romel Chika, “So ano na ang kuwento? Ano na po ang paniniwalaan natin diyan Nanay?”

“Ako mas naniniwala ako do’n sa kinukuha siya para mag-guest noong nakaraang Sabado. Kasi si Willie may sarili siyang mga plano, eh, para sa kanyang buhay.

“Di nga ba’t sinasabi niya na magkakaroon pa rin siya ng programa pero siya na ang magmamando kung saan ipapalabas,” sagot ng “CFM” host.

Baka Bet Mo: Willie Revillame naglo-loyalty check na matapos ang mga kinasangkutang kontrobersiya

Opinyon naman ni Romel Chika, “Kaya siguro ‘Nay may mga lumalabas kasi magbabalik si Kuya Wil kaya naidugtong na naman doon.”

Kaya hindi naniniwala si Nanay Cristy dahil mas kilala niya ang “Wowowin” host base na rin sa kanilang pinagsamahan sa loob ng napakaraming taon.

“Unang-una si Willie po ay laging nasa kanyang condo at resthouse sa Mindoro. Hindi na nga halos nagsasalita ‘yung tao, di ba? Wala ngang nakaka-interview, ni walang nakakausap kundi ‘yung mga dati niyang mga tao na hindi umaalis sa poder niya.

“Tapos meron ng ano ngayon (balita) na siya mismo ang tumawag sa mga Jalosjos para ialok ang kanyang TV show?” sabi pa ng batikang host at manunulat.

Diin pa niya, “Hindi ako naniniwala ro’n.  Hindi ako naniniwala na magagawa ‘yun ni Willie Revillame! Mas naniniwala ako na talagang kailangan-kailangan siya nu’ng nakaraang Sabado ng mga Jalosjos para ipangtapat sa Tito, Vic, and Joey na tinanggihan niya at talagang lantaran niyang sinabi sa magkapatid, ‘di ko magagawa ‘yun, ‘di ko matatanggap ‘yan kasi malaki ang respeto ko sa Tito, Vic and Joey.’”

Nasambit ding may ginagawang proyekto ngayon ang TV host para sa kanyang programa kaya iyon po ang hintayin natin kung saan ipalalabas ito. Palagay ko naka-ready na rin ito.

“At least ‘Nay mayroon pa rin tayong aabangan kung saan na naman si Kuya Will,” saad ni Romel Chika.

“Pero ang sigurado ko hindi na siya makikipaggitgitan sa pananghalian, tatlo na ito e, kung magiging apat o lima pa anong mangyayari na, royal ramble?” tsika pa ni Manay Cristy.

Bukas ang BANDERA sa panig nina Ginoong Jonjon at Mayor Bullet pati na ni Willie tungkol sa isyung ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Coco Martin puring-puri ni Cristy Fermin, ikinumpara kay Willie Revillame

Ogie Diaz ‘binanatan’ si Willie Revillame: Sana na-happy siya sa kanyang panunumbat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending