Willie Revillame naglo-loyalty check na matapos ang mga kinasangkutang kontrobersiya | Bandera

Willie Revillame naglo-loyalty check na matapos ang mga kinasangkutang kontrobersiya

Reggee Bonoan |February 24,2023
facebook
share this

Willie Revillame naglo-loyalty check na matapos ang mga kinasangkutang kontrobersiya

Reggee Bonoan - February 24, 2023 - 07:35 PM

Willie Revillame naglo-loyalty check na matapos ang mga kinasangkutang kontrobersiya

Willie Revillame

‘WHAT goes around comes around’ ito ang laging sinasabi ng mga taong nakaranas ng hindi maganda sa mula sa mga kaibigan, kakilala at kaanak nila.

Kaya namin ito nabanggit ay dahil sa ilang araw na naging paksa nina Nanay Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez si Wowowin host, Willie Revillame sa “Showbiz Now Na” YouTube channel nila.

Nauna na ‘yung panunumbat ng “Wowowin” host kay ‘nay Cristy, sinundan ng paghahakot ng mga gamit ng huli sa condo unit na bigay ng una hanggang sa tinuldukan na ng batikang online host ang relasyon nila bilang ‘mag-nanay’ sa showbiz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Willie Revillame – Wowowin (@willrevillame)

Pero dahil na rin sa marami itong taong nasaktan lalo na ang mga naka-trabaho sa past shows niya hanggang sa ka-trabaho niya ngayon sa “Wowowin” na sa kasalukuyan ay puro replay na ay maraming nagpapadalang voice recorder para isumbong na hindi umano maganda ang ugali nito.

Ang paliwanag ni ‘nay Cristy, “May gusto po muna kaming linawin. Nang sabihin namin dito (SNN) na wawakasan na namin ‘yung isyu tungkol kay Willie Revillame ang tinutuko po namin lalo nap o ako ay ‘yung isyu ng sumbatan.

“Yung nanumbat siya na kung anu-anong masasakit na salita ang ibinato niya laban sa akin at kay Ogie Diaz (ay) nakapagpaliwanag na po kami para sa amin ay sapat na iyon at hindi na namin bubuksan pa.

“Pero hindi po nangangahulugan na ang lahat ng tungkol kay Willie Revilame ay hindi na po namin sasalatin dapat alam din ng ating mga SNNer’s kung ano ang nagaganap, di ba? (sabay lingon kina Romel at Wendell).”

Nang ilabas ng “SNN” hosts ang audio recording tungkol sa male TV host na grabe magmura sa mga staff ng programa niya ay nahulaan kaagad ng publiko na si Kuya Wil ito.

“Ang nangyayari po ngayon ay naglo-loyalty check daw si Willie Revillame sa kanyang mga tauhan, sa kanyang staff,” pagtatapat ni ‘nay Cristy.

Punto naman ni Romel Chika na ngayong nahaharap sa matinding kontrobersya si Kuya Wil ay hinahanap niya ‘yung mga staff, mga nakatrabaho niya kung sino ang laglabas ng audio recording niya habang nagagalit siya.

“Ang inaalam po niya mga kapatid at ka-chika ay kung nasa loob pa ba ng kanyang produksyon ‘yung mga nagpapakalat po ng isyu laban sa kanya o ‘yung mga umalis na,” saad ni nanay Cristy.

Say naman ni Wendell, “Alam mo ‘yan ang mahirap kasi ‘yung mga tauhan mo hindi puwedeng may magtraydor sa iyo. Masakit kasi iyon, pinakain mo na, sinahuran mo na, binigyan mo (ng trabaho) tapos ta-traydurin pa siya.”

“Kaya nga naglo-loyalty check siya ngayon pero mahirap pong matunton o ma-trace kasi ang mga kumakalat po ngayon na audio-video ay hindi naman taga loob ang mga nagkukuwento.

“Sa rami po ng kanyang mga sinaktan, sa rami ng mga staff na wala na po sa kanyang pagkandili ngayon (ay) natural lamang na sa kanila manggagaling ngayon. Sabi nga nila, ‘maraming salamat nanay sa mahabang panahon ay dala-dala namin ‘yan sa dibdib namin.

“Pero sa unang pagkakataon naman ay nakahinga na kami ng maluwag ngayon dahil ikaw ang naging boses namin sa mga dinanas namin sa kanya,” kuwento ni ‘nay Cristy na naging takbuhan ng mga nasaktan ni Willie.

Hanggang ngayon ay marami pa ring mga balitang nakararating sa SNN hosts na galing pa sa ibang bansa tulad ng Qatar, Canada, Amerika, at iba pang bansa kung saan nagta-trabaho na ang mga taong dating naglingkod sa kanya.

“Sa hindi inaasahang pagkakataon ay pinalayas niya. Hanggang sa naipon ng naipon kanilang sentimyento laban kay Willie,” kuwento ni nanay Cristy.

Curious question naman ni Wendell na posible ba itong idaan ni Willie sa legal na paraan dahil sa mga paninira sa kanya.

“Hindi kasi nakakahiya namang gawin niyang legal ang hakbang na ito dahil sa dami, mahihirapan sila dahil para kang naghahanap ng karayom sa dayami,” paliwanag mabuti pa ng dating nanay-nanayan ni Willie.

Dagdag ni Romel, “at saka baka mapahiya sa gagawin mo kasi maglalabasan lahat ito.”

“At saka paano kung malalakas ang loob ng mga taong ito na lumaban talaga sa iyo?” diin ni nanay Cristy.

Sabi ulit, “Kaya ang pinakamagandang leksyon po dapat dito ay sana nga nadampot ni Willie Revillame may panahon ang bawa’t ang b agay sa mundo. May takdang panahon na kailangan nating magbaba ng ating pride. Dapat ding tandaan na ang hagdan ay hindi lang inaakyatan, binabaan din ito.”

Nanatiling bukas ang BANDERA sa panig ni Wllie Revillame.

 

Related Chika:
Cristy Fermin ‘pambansang kahihiyan’ raw ang ginawa ni Willie sa kanila nina Ogie at Gab: ‘Yang bibig mo itikom mo!

Ogie Diaz ‘binanatan’ si Willie Revillame: Sana na-happy siya sa kanyang panunumbat

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin: ‘Anong utang na loob ang dapat kong tanawin sa ‘yo? Magbilangan tayo Willie Revillame!’

Willie ayaw daw munang magtrabaho; Cristy sa sulsulerang staff ng TV host: ‘Ikaw na beki ka, ‘yang dila mo putulin mo!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending