Rayver biglang napikon kay Robi nang tuksuhin muli kay Sarah G. | Bandera

Rayver biglang napikon kay Robi nang tuksuhin muli kay Sarah G.

Ambet Nabus |April 10,2014
facebook
share this

Rayver biglang napikon kay Robi nang tuksuhin muli kay Sarah G.

Ambet Nabus - April 10, 2014 - 03:00 AM


Sana’y hindi naman nauwi sa pikunan ang ginawang pang-aasar ni Robi Domingo kay Rayver Cruz, also last Sunday sa ASAP.
Matapos kasing kumanta si Sarah Geronimo (Let It Go), eh, nagkataon namang sina Robi, Rayver with Cristine Reyes at Maja Salvador ang nag-intro sa sumunod na segment ng show.

Natural na magbigay sila ng paghanga sa Pop Princess sa naging prod number nito. Si Robi ay aminadong kilig na kilig at hangang-hanga kaya’t tinukso nito si Rayver na umano’y nakanganga pa at tutok na tutok kay Sarah habang nasa stage ito.

Gumanting biro (kaya?) naman si Rayver na, “Ikaw kaya ang tuktukan ko diyan!?” sabay muwestra sa hawak nitong mikropono na iniambang ihahataw kay Robi.

To the rescue naman si Maja na nagsabing, “Huwag mo ng ganyanin si bro (Rayver),” habang tila dedma lang si Cristine sa pinag-uusapan ng kanyang mga co-hosts. Ha-hahahaha!

At nang tila makarekober, sinakyan nito ang hamon ni Maja na mag-sampol din sila ng “Let It Go”, na siyempre pa ay super-duper layo sa galing ni Sarah.

Late na naming na-discover na mayroon pala silang “konek” lahat kay Sarah, in one way or another. Ha-hahaha! Kaloka!
Kaya kung napikon nga si Rayver kay Robi ay natural lang naman ‘yun.

( Photo credit to rayvercruzfanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending