Boobay inabuso ang sarili kaya na-stroke; hindi nagalit nang hiwalayan ng dyowa | Bandera

Boobay inabuso ang sarili kaya na-stroke; hindi nagalit nang hiwalayan ng dyowa

Ervin Santiago |November 07,2021
facebook
share this

Boobay inabuso ang sarili kaya na-stroke; hindi nagalit nang hiwalayan ng dyowa

Ervin Santiago - November 07, 2021 - 01:59 PM

Kent Resquir at Boobay

INAMIN ng Kapuso TV host-comedian na si Boobay na talagang inabuso niya ang kanyang sarili sa pagtatrabaho na siyang naging sanhi ng kanyang mild stroke noong 2016.

Isang buwan din siyang na-confine sa hospital matapos mag-agaw buhay, kung hindi raw siya naitakbo agad sa hospital ng kanyang ex-boyfriend baka raw “gulay” o comatose na siya ngayon. 

Kaya naman abot-langit pa rin ang pasasalamat ni Boobay sa dati niyang partner na si Kent Resquir na siyang nag-alaga sa kanya noong magkasakit siya.

Naikuwento ni Boobay ang tungkol dito sa isang episode ng “Eat Bulaga” kung saan regular na rin siyang napapanood. Aniya, may ilang sintomas na siyang naramdaman that time ngunit dinedma lamang niya ang mga ito.

“2016 nangyari yun nang atakihin ako ng mild stroke, dumating talaga sa point na muntik na akong bumigay. Yung stroke talaga na kung hindi lang talaga ako naitakbo agad baka (kung ano na ang nangyari), yung kalahati ng katawan ko paralyze na.

“Memory loss, may mga pagkakataon na nag on-off, on-off yung aking pag-iisip. Dinisregard ko yung mga ipinapakitang sintomas sa akin ng stroke hanggang sa ‘yun nga one month ako sa hospital,” pahayag pa ni Boobay.

View this post on Instagram

A post shared by boobay7 (@boobay7)


Si Kent daw ang unang nakapansin sa mga sintomas ng stroke kaya mabilis siyang naisugod sa ospital, “Kaya dumaan din ako doon sa MRI, para buhayin yung dugo ko kasi naipitan ako eh.

“Pero kung pumutok daw yun, malamang daw hindi na ako makakapagpatawa, hindi na ako makakapag-perform, eh yun yung pangarap ko eh,” ang umiiyak nang kuwento ni Boobay.

Aniya pa, “Bahagi ng journey ko na yun ay si Kent. Yung naging partner ko for 8 years magna-9 years na kami dapat. Hindi ako nakaramdam sa kanya ng galit nu’ng nag-ask na siya nu’ng ano sa akin ng freedom na ibigay ko naman daw sa kanya na maging single naman daw siya.”

Mensahe pa ng komedyante sa ex-boyfriend, “Hindi ako nagagalit sa ‘yo, gusto ko lang sana malaman mo na kung sakali kang makahanap ka ng bagong magiging partner, mahalin ka ng higit pa (sa pagmamahal ko sa ‘yo) kasi magiging masaya ako sa ‘yo hindi ako magtatanim ng galit.”

Pahayag pa ng “The Boobay And Tekla Show” host, talagang inihingi niya ng tawad sa Diyos ang pagpapabaya sa sarili, “Yun yung hinihingi ko ng tawad kay Lord kasi nu’ng binigyan niya ako ng pagkakataon na makapag-perform almost every night, inabuso ko yung sarili ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Learn to say no. Kapag hindi na kaya ng katawan, listen to your body, pakinggan mo yan kapag pinaparamdam niya sayo na hindi niya kaya wag mong pilitin. Siguro kaya binigyan ako ng pagkakataon ulit kasi may purpose pa ako, ang makapagpasaya ng tao,” paalala pa niya sa mga Dabarkads.

Boobay napaiyak nang makita ang litrato ng ex-dyowa sa Bora: Ang sakit pala kapag sinasabing ‘past na ito’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending