Boobay napaiyak nang makita ang litrato ng ex-dyowa sa Bora: Ang sakit pala kapag sinasabing 'past na ito' | Bandera

Boobay napaiyak nang makita ang litrato ng ex-dyowa sa Bora: Ang sakit pala kapag sinasabing ‘past na ito’

Ervin Santiago |July 18,2021
facebook
share this

Boobay napaiyak nang makita ang litrato ng ex-dyowa sa Bora: Ang sakit pala kapag sinasabing ‘past na ito’

Ervin Santiago - July 18, 2021 - 10:35 AM

NAPAIYAK ang Kapuso comedian na si Boobay nang mapag-usapan ang nakahiwalay niyang ex-boyfriend na si Kent Resquir.

Hindi napigilan ng komedyante at TV host ang maging emosyonal nang mag-guest sa morning show ng GMA 7 na “Mars Pa More” nang makita ang litrato ng dating karelasyon.

Ang nasabing photo ay kuha noong magbakasyon sila ni Kent sa Boracay kasama ang ilan sa malalapit nilang mga kaibigan.

Nito lamang nakaraang linggo nang aminin ni Boobay na hiwalay na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend matapos ang siyam na taon nilang relasyon. Hindi na siya nagdetalye kung bakit bigla na lang silang nag-break.

Sa isang segment ng programa, sinabi ng host na si Camille Prats kung maaari nilang pag-usapan ang nasabing Boracay photo kung saan makikitang enjoy na enjoy sila sa kanilang pagbabakasyon.

“Teka, o sige pag-usapan muna natin at saka past na ito, Mars!” ani Camille kay Boobay.

Ngunit bago pa nga makapagsalita ang host ng “The Boobay And Tekla Show” ay napaiyak na siya. Pinunasan muna niya ang kanyang mga mata bago sinagot si Camille.

“Oo past na! Ang sakit pala na sinasabing ‘Past na ito ‘no?’ Tapos dinidikdik mo pa. Parang pina-realize mo sa akin na past na nga pala,” ang birong tugon ng stand-up comedian.

“Kasi parang pangalawang beses pa lang niyang umuuwi from Australia. So February ‘yan, Valentine’s last year (2020) bago pa mag-lockdown o bawal ang lumipad,” kuwento pa ni Boobay.

“Sabi ko, maganda ‘yata maging mas memorable ‘yung uwi niya rito para siyempre, I’m sure nabo-bore siya roon sa Australia. Something, alam mo ‘yun, elegant na bakasyon,” aniya pa.

Bigla namang humirit ang kaibigang komedyante ni Boobay na si Pepita na guest din sa show, “Ang usapan ambag-ambagan pero ikaw lahat ang nagbayad, kaya very generous.”

“Worth it naman ‘yung nangyari kasi ‘di ba nag-enjoy ‘yung mga friends ko,” sey ni Boobay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Singit naman ni Pepita, “Naisip mo ba na itong tawa na ito ay hindi na pala mauulit?” Napangiti lamang si Boobay ngunit makikita sa kanyang mukha na affected pa rin siya sa break-up nila ng ex-dyowa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending