Angelica Panganiban, Camille Prats muling binuhay sina Sarah at Becky

Angelica Panganiban at Camille Prats kasama ang kanilang mga anak
MARAMING fans ang nagre-request na sana’y muling magsama sa isang acting project ang childhood friends na sina Angelica Panganiban at Camille Prats.
Isa sa mga hindi malilimutang proyektong pinagsamahan ng magkaibigan ay ang pelikulang “Sarah, Ang Munting Prinsesa” (1995) kung saan gumanap sila bilang sina Princess Sarah (Camille) at Becky (Angelica).
Pagkatapos nga ng “reunion” ni Camille kay Jean Garcia na gumanap naman sa “Princess Sarah” bilang si Miss Minchin, muli ring nagkita sina Camille at Angelica.
Nakasama nila sa kanilang reunion ang kanilang mga anak na sina Nala ar Bean na tinawag din nilang “mini-me.”
Sa Instagram, ibinahagi ni Camille ang mga litrato nila ni Angelica kasama ang kanilang mga dyunakis. Sey ng Kapuso star sa caption, “The Becky to my Sarah, the Nikka to my Rosalie and the Jelai to my Roni.
“From childhood besties to raising little versions of ourselves–what a surreal and beautiful full-circle moment,” pahayag pa ni Camille.
Feeling grateful din ang aktres at TV host sa “gift of friendship” sa pagitan nila ni Angelica na tumatagal na rin ng ilang dekada.
“Happy to see you always sis! Looking forward to our long overdue chika and the launch of your theater show!” mensahe pa ni Camille sa kanyang post.
View this post on Instagram
Sandamakmak na comments naman ang natanggap ni Camille mula sa kanyang IG followers kabilang na riyan ang ka-batch din nila na si Heart Evangelista.
Reaksyon ng Kapuso star at international fashion icon, “Awwwwww (four red hearts emoji). Gagandaaaaaaaaaaaaaa!”
Halos lahat naman ng mga netizens na nakakita sa latest photos nina Camille at Angelica ay nagsabing nakaka-senti ang reunion ng dalawang aktres.
Sinampal din sila ng katotohanan na talagang matanda na sila dahil inabutan pa nila ang dalawang aktres bilang mga child star.
Kaya naman ang hiling nila, sana’y muling magsama sina Camille at Angelica sa isang teleserye o pelikula dahil miss na miss na nila sina Princess Sarah at Becky.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.