Marco ayaw nang magpakita ng pwet, never magpo-frontal nudity dahil kay Cristine: 'Ay, no! May magagalit na! Hindi pwede!' | Bandera

Marco ayaw nang magpakita ng pwet, never magpo-frontal nudity dahil kay Cristine: ‘Ay, no! May magagalit na! Hindi pwede!’

Ervin Santiago |September 12,2023
facebook
share this

Marco ayaw nang magpakita ng pwet, never magpo-frontal nudity dahil kay Cristine: ‘Ay, no! May magagalit na! Hindi pwede!’

Ervin Santiago - September 12, 2023 - 07:30 AM

Marco ayaw nang magpakita ng pwet, never magpo-frontal nudity dahil kay Cristine: 'Ay, no! May magagalit na! Hindi pwede!'

Marco Gumabao at Cristine Reyes

HINDING-HINDI na magpapakita ng pwet ang hunk actor na si Marco Gumabao at never din daw siyang magpo-frontal nudity sa mga susunod niyang pelikula.

Chika ng boyfriend ni Cristine Reyes, quota na raw siya sa butt exposure sa mga nagawa niyang projects sa Viva Films kaya baka hindi na niya ito gagawin sa mga next movies niya.

Sa panayam kay Marco ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz, na mapapanood sa kanyang YouTube channel, napag-usapan nga ang paghuhubad at pakikipag-love scene niya sa harap ng mga camera.

Ikinuwento ng binata kung paano siya nagsimula at nalinya sa pagpapaseksi sa pelikula,  “During that time kasi, kailangan kong maghanap ng image o kumbaga, ‘Paano ko ba iba-brand ang sarili ko?’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Eh, nanggaling ako sa pa-tweetums, nanggaling ako sa sitcom, ’di ba, sa Luv U,” simulang chika ni Marco kay Papa O.

Pagpapatuloy pa niya, “So, sabi ko, hindi naman ako forever na nagmumukhang bata screen kasi hindi naman tayo tumatanda nang paurong.”

Aniya pa, ang ABS-CBN executive na si Ruel Bayani ang nagpayo sa kanya na subukang magbago ng image para maiba sa mga kasabayan niya.

“Actually, ang nagbigay sa akin ng advice, si Direk Ruel, si RSB. Siya ‘yung nagbigay sa akin ng advice before na, ‘Bakit hindi mo kaya i-try na magpa-hunk?’

“Kasi lahat ng mga tao dumadaan sa usual na love team route or sa mga pakilig-pakilig, ganyan. Sabi niya, ‘Bakit hindi mo i-try? Magpaganda ka ng katawan tapos magpaka-hunk ka,’” ang sabi pa raw ni Direk Ruel sa kanya.

Baka Bet Mo: Vico nakiusap sa mga taga-Pasig: OK lang mabakunahan sa pwet, pero wag n’yo na po i-send sa akin

Kasunod nito, sumabak na nga siya sa matinding workout para magpa-yummy at game na game ngang nagpakita ng kanyang pwet sa movie nila ni Anne Curtis.

“Actually, nu’ng sa first time na nagpakita ako doon sa Just a Stanger, wala talaga siya sa script. Parang napag-usapan lang, parang nag-joke-joke lang na, ‘Oh, magpakita ka na ng ano, Marco.’ ‘Oh, sige.’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marco Imperial Gumabao (@gumabaomarco)


“So, nagulat si Direk Jason Paul (Laxamana) na game ako kasi wala naman talaga siya sa usapan. Hindi naman talaga siya planado,” sey ni Marco.

“Ako kasi, kapag na-feel ko na parang pwede siya for this project or pwede siya for the scene, okay lang. Kasi alam mo, eh, kapag pilit o alam mo kapag hindi naman siya kailangan tapos gusto lang ng direktor na ipasok,” lahad pa ng hunk actor.

“Pero for me, I knew that Just A Stranger was my launching movie, especially pa of course, with Anne Curtis pa.

“So sabi ko, ‘Parang puwede nga at hindi naman siya pilit, at the same time, mas makakaganda siya sa eksena. Ganu’n. Parang on-the-spot sinabi namin ni Direk.

“Nasa Portugal pa kami nu’n. So sabi ko, ‘Parang okay magpakita ng ano dito sa Portugal.’ ’Di ba, wala ka sa Pilipinas. Sakto. Parang lahat sumakto,” dagdag pa ng dyowa ni Cristine.

Sabi pa ni Marco, baka raw yun na ang huling pagkakataon na magpapakita siya ng pwet, “Oo last na ‘yun. Wala na. Ha-hahaha!”

“Hindi naman pwede sa lahat ng mga projects mo magpapakita ka, di ba? Kumbaga, anong ilo-look forward ng mga fans mo? Ano pang aabangan sa ‘yo kung lahat-lahat napakita mo na?

“So, para sa akin, ang pelikula naman never mawawala ang pelikula, di ba? Hangga’t nandiyan ang isang pelikula, kahit years, hindi na siya mawawala. So quota na siguro ako para doon,” aniya pa.

Tungkol naman sa frontal nudity, “Ay, no! May magagalit na (Cristine). Ha-hahaha! Hindi pwede, hindi pwede. Okey na ‘yung back, ‘yung sa likod na lang muna,” ang tawa pa ring tawang sey ni Marco.

Napilitan lang ba si Diego Loyzaga na magpakita ng pwet sa sex scene niya sa ‘The Wife’?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pia Wurtzbach super flex ng matambok na pwet sa socmed, hirit ng netizen: ‘Napakabooty n’yo pong tao…’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending