Pia Wurtzbach super flex ng matambok na pwet sa socmed, hirit ng netizen: 'Napakabooty n'yo pong tao...' | Bandera

Pia Wurtzbach super flex ng matambok na pwet sa socmed, hirit ng netizen: ‘Napakabooty n’yo pong tao…’

Ervin Santiago |March 15,2023
facebook
share this

Pia Wurtzbach super flex ng matambok na pwet sa socmed, hirit ng netizen: ‘Napakabooty n’yo pong tao…’

Ervin Santiago - March 15, 2023 - 08:25 AM

Pia Wurtzbach super flex ng matambok na pwet sa socmed, hirit ng netizen: 'Napakabooty n'yo pong tao...'

Jeremy Jauncey at Pia Wurtzbach

PINAGPIYESTAHAN ng mga netizens, lalo na ng mga kalalakihan, ang matambok na pwet ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Muli kasing ibinuyangyang ng TV host-actress ang kanyang seksing katawan sa social media kung saan buong-ningning niyang ipinakita ang dalawang pisngi ng kanyang butt.

Kuha ang mga litrato sa kanyang latest pictorial kasama ang fiancé niyang si Jeremy Jauncey sa isang napakagandang beach resort.

May tatlong pictures na ipinost si Pia sa Instagram nitong nagdaang araw kabilang na nga ang isang photo kung saan “confidently beautiful with a heart” nga niyang ibinilad ang super tambok at super kinis niyang puwet.

Bumaha naman ng fire emojis sa comments section ng IG post ng Kapamilya actress at beauty queen. At in fairness, hindi lang mga socmed followers niya ang napa-react sa kanyang “pwet photo” kundi maging  kapwa niya celebrities.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pia Wurtzbach (@piawurtzbach)


“Grabe poe (fire emojis),” ang reaksyon ng aktres na si Lovi Poe.

“AY GRABE NAMAN SIYA!” sabi naman ni Angelique Manto.

“Napakabooty niyo pong tao,” komento  ng isa pa niyang IG follower.

Baka Bet Mo: Payo ni Kuya Kim sa mga mister: Dapat lang na ibigay natin ang ating buhay kay misis dahil…

“Bakit ganun, hindi nauubos ang kaseksihan si Pia?!”

“Grabehan na to!”

“My fave couple so lucky in love and in life!”

“Pia ‘Mapanglamang’ Wurtzbach.”

“Di naman ako lalaban Queen P!”

“JUSKO PIAAAA!”

“My phone is melting YOU’RE so hot!”

At siyempre hindi rin nagpahuli ang kanyang future husband na si Jeremy na nag-iwan naman ng apat na in love emojis sa viral na ngayong beach photo ni Pia.

Patuloy ang ginagawang paghahanda nina Pia at Jeremy para sa kanilang wedding na inaasahang mangyayari this year o sa first quarter ng 2024.

Sa katunayan, hindi na itinuloy ni Pia ang pagsali sa isang marathon para makapag-concentrate sa kanilang wedding preparation.

Maggie Wilson inireklamo ang panghaharas ng mga nagpakilalang ‘otoridad’, walang maipakitang warrant of arrest

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pia nalusutan ang ‘family feud’ dahil kay Jeremy: Buti na lang nandoon siya at kinaya ko naman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending