Payo ni Kuya Kim sa mga mister: Dapat lang na ibigay natin ang ating buhay kay misis dahil... | Bandera

Payo ni Kuya Kim sa mga mister: Dapat lang na ibigay natin ang ating buhay kay misis dahil…

Ervin Santiago |March 10,2022
facebook
share this

Payo ni Kuya Kim sa mga mister: Dapat lang na ibigay natin ang ating buhay kay misis dahil…

Ervin Santiago - March 10, 2022 - 06:37 AM

Felicia at Kim Atienza

SIGURADONG tatagos sa puso ng mga kalalakihan, lalo na ng mga mister, ang naging mensahe ng Kapuso TV host na si Kim Atienza.

Sa nakaraang episode ng Kapuso morning show na “Mars Pa More”, napag-usapan ang tungkol sa iba’t ibang pagtrato ng mga Pinoy husband sa kanilang mga wifey.

Dito nga nakapagbigay ng payo si Kuya Kim sa mga kapwa niya mister kung paano mas mapapatatag ng mga kalalakihan ang pag-ibig at pagrespeto nila sa kanilang mga misis.

“Tumatanda tayo at ang mga misis natin, hindi na rin kagandahan, hindi na balingkinitan, hindi na bata, ngunit pinakasalan natin. 

View this post on Instagram

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza)


“Dapat mahalin natin…sa anak na ibinigay nila sa atin, sa kaligayahan na ibinigay nila sa atin,” simulang pagbabahagi ng award-winning TV host.

Pagpapatuloy pa ng celebrity daddy, “Ibinigay ng mga misis natin ang mga buhay nila para sa atin. Dapat lamang na ibigay natin ang buhay natin para sa kanila.”

Lahad pa niya, kailangan daw palaging nagkakaintindihan ang mag-asawa sa kabila ng mga hinaharap nilang mga problema at huwag hayaang magkasira nang dahil lamang sa simpleng away o hindi pagkakaunawaan.

“Love is not a feeling that comes and goes but love is a choice that you make day-to-day. Mahal natin ang mga misis natin, importante ‘yan,” pahayag ni Kuya Kim.

Sa isang bahagi ng programa, game na game ring sumabak ang segment host ng “24 Oras” sa “Grab-A-Word” game kung saan nakuha niya ang salitang “future” upang sagutin ang secret revealing question of the day.

Sey ni Kuya Kim, “Kapag iniisip ko ang future ko, so far, being with Feli forever and ever and ever na lang, sapat na.”

Tinanong naman siya ng kanyang co-host na si Iya Villania kung saan nanggaling ang kanyang hugot na sagot. Ani Kuya Kim, “Coming from 20 years of marriage and we’re empty nesting. It’s going to be the two of us so we really have to work on the relationship na dalawa lang kami.”

Kamakailan lamang ay nag-celebrate sina Kuya Kim at asawang si Felicia ng kanilang 20th wedding anniversary. Nag-post ang TV host ng litrato nila ni misis sa Instagram kalakip ang super sweet na mensahe.

“I ABSolutely love you @feliciaatienza! I may be ABSentminded to forget but be assured that the love you give me I ABSorb in the deepest ABScesses of my beating heart.

“I shall never be ABSent though I am often ABSurd my love!

“I LOVE YOU AND HAPPY 20TH my dear wife Felicia with the eight-pack ABS,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tatlo ang anak ng mag-asawa, sina Jose, Eliana at Emmanuelle.

Kuya Kim may swabeng hirit kay Ogie Diaz; bawal ikampanya ang ama sa Eleksyon 2022

Regine Angeles nagtatrabaho pa rin para makatulong kay mister: Ayokong uminit ulo n’ya at ma-stress sa bayarin

Miss World PH walong korona na ang igagawad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending