Napilitan lang ba si Diego Loyzaga na magpakita ng pwet sa sex scene niya sa 'The Wife'? | Bandera

Napilitan lang ba si Diego Loyzaga na magpakita ng pwet sa sex scene niya sa ‘The Wife’?

Ervin Santiago |February 09,2022
facebook
share this

Napilitan lang ba si Diego Loyzaga na magpakita ng pwet sa sex scene niya sa ‘The Wife’?

Ervin Santiago - February 09, 2022 - 11:30 AM

Diego Loyzaga, Louise delos Reyes at Cara Gonzales

WALANG sapilitang nangyari sa pagpapakita ni Diego Loyzaga ng pwet sa bago niyang Vivamax original movie na “The Wife”.

Makakasama ng hunk actor sa nabanggit na pelikula sina Louise delos Reyes at Cara Gonzales sa direksyon ng award-winning filmmaker na si Denise O’Hara.

Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng butt exposure si Diego sa pelikula dahil napapayag nga siyang gawin ito ng kanilang female direktor. Bahagi ito ng isang love scene nila ng palabang sexy star na si Cara.

Sa ginanap na virtual mediacon ng “The Wife” kahapon, natanong nga si Direk Denise tungkol dito, “Ah, hindi kasi…wala siyang ano…” ang putul-putol na sagot ng direktor habang tawa naman nang tawa sina Diego at Louise.

View this post on Instagram

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)


Patuloy pa ni Direk Denise, “Hindi naman siya sapilitan saka hindi naman yung pagkakapakita nun, it’s not stark in your face. It’s not like that.

“I mean, I hope ma-appreciate nila yung brand ng sensuality na ipinakita ng movie because it’s different from other sexy films. 

“Hindi ito yung sasabihin mo na very graphic. Hindi, e. We hope na-achieve namin yung sensuality from a prespective ng babae,” paliwanag pa ng filmmaker.

Kasunod nito, nilinaw ni Direk Denise na wala namang matinding kumbinsihang nangyari para gawin ni Diego ang maselang eksena, “Hindi siya yung ganoong kumbinsihan.

“I think it just flowed and meron naman kaming understanding with each other na kung papaano ipapakita yun na tasteful, saka hindi naman ganoon. Yun lang ang masasabi ko,” dagdag pa niya.

Samantala, sinabi ni Diego na hindi naman siya masyadong nag-effort o nahirapan sa mga love scene niya with Louise and Cara sa “The Wife”.

“Yung mga love scene, it didn’t feel like parang difficult. She made it very easy to do,” pahayag ni Diego. 

Pero ipinagdiinan niya na more than na sex scenes, mas marami pang highlights ang movie na siguradong ikagugulat ng manonood lalo na ang mga dramatic moments at confrontation scenes ng mga karakter nila nina Louise at Cara.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na sa Vivamax ang “The Wife” simula sa Feb. 11.

Louise delos Reyes sa pakikipag-live in sa BF: Parang kasal din, wala lang papel

Cara Gonzales muling napalaban ng hubaran kay Diego; hindi rin nagpatalbog kay Louise

Vico nakiusap sa mga taga-Pasig: OK lang mabakunahan sa pwet, pero wag n’yo na po i-send sa akin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending