Bea Alonzo, Dominic Roque kabado sa kasal,, pero...

Bea Alonzo, Dominic Roque kabado sa kasal, pero excited nang magka-baby together

Pauline del Rosario |October 27,2023
facebook
share this

Bea Alonzo, Dominic Roque kabado sa kasal, pero excited nang magka-baby together

Pauline del Rosario - October 27, 2023 - 11:55 AM
Bea Alonzo, Dominic Roque kabado sa kasal, pero excited nang magka-baby together
PHOTO: Instagram/@beaalonzo

SABIK na sabik nang bumuo ng sariling pamilya ang celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

‘Yan ang sinabi mismo ni Bea matapos siyang maging guest sa programang “Fast Talk with Boy Abunda.”

Sa bahagi ng panayam, tila naitanong ng binansagang King of Talk na si Boy Abunda ang pakiramdam ni Bea ngayong papalapit na ang kasal nila ni Dom.

Pag-amin ng award-winning actress, mas kabado ang aktor kaysa sa kanya.

“It’s just that I guess kinakabahan siya siyempre doon sa sunod-sunod na mga magiging parties,” sey ni Bea.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo nagmukha raw alalay sa birthday ni Kyline Alcantara: ‘Naawa kasi ako kaya kinuha ko na ‘yung cake’

Paliwanag niya, “He has never thrown a really big party before, so I guess mas kabado siya roon.”

Dagdag pa ng aktres, “Not in the sense na kabado siyang magpamilya. He would always tell me he is very excited to have a family with me and have kids.”

“Actually mas excited kami to have kids together,” chika ni Bea.

Biro rin niya habang natatawa, “Feeling ko, kabado kami pareho sa budget. Charot lang!”

Kung maaalala, ilang beses nang inihayag ni Dom ang kagustuhang magkaroon na sila ng anak ni Bea.

May post pa nga noon ang aktor kung saan tila nagpaparinig pa siya sa kanyang soon-to-be wife.

Makikita sa dati niyang Instagram Stories ang shinare na video ng isang batang babae na tine-train na maglaro ng Tennis.

Agaw-pansin ang kanyang caption na nakabandera ang katagang, “My little bea soon…” at naka-tag pa mismo ang aktres.

May naunang interview din si Bea kung saan sinabi niya na walong anak ang gusto ni Dom.

“Ang gusto talaga ni Dom walo pero sabi ko paano eh, 35 na ako,” sey ng aktres sa isang media conference.

Anyway, ang dasal ni Bea para sa kanilang pag-iisang dibdib ay mas maging matatag pa ang kanilang relasyon ng soon-to-be-husband.

“Sana manatili sa sentro namin si Lord to guide us and sana sa next chapter na papasukin namin, mas lumalim ‘yung pagkakaintindihan namin at pagmamahal sa isa’t-isa,” saad ni Bea sa panayam with Tito Boy.

Ang mensahe naman niya para sa kanyang future kids, “I hope that I’d become a good example to my children one day, and I hope that I get to raise God-fearing and really good kids with good values.”

Magugunita noong July 20 nang ibinandera ng aktres sa social media ang naging wedding proposal sa kanya ni Dom habang siya ay nasa taping sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Quezon City.

Taong 2021 naman nang kumpirmahin ng couple ang kanilang tunay na relasyon.

Related Chika:

Marian Rivera excited na sa showbiz comeback, sino nga ba ang nais makatambal?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

KC Concepcion sabik na sabik na sa reunion concert nina Sharon, Gabby: Kung excited kayo, eh di lalo naman ako!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending