Bea sa kanyang birthday: It makes me think of so many things...

Bea Alonzo sa kanyang 36th birthday: It makes me think of so many things about my life

Pauline del Rosario |October 23,2023
facebook
share this

Bea Alonzo sa kanyang 36th birthday: It makes me think of so many things about my life

Pauline del Rosario - October 23, 2023 - 04:23 PM

Bea Alonzo sa kanyang 36th birthday: It makes me think of so many things about my life

PHOTO: Instagram/@beaalonzo

TILA naging sentimental ang award-winning actress na si Bea Alonzo ngayong ipinagdiriwang niya ang kanyang kaarawan.

Sa Instagram, ibinandera niya ang kanyang fresh at blooming na portrait photo kalakip ang kaption na, “Another year older and wiser [smiling face with halo emoji].”

Kasunod niyan ay lubos na pinasamalatan ni Bea ang mga natanggap niyang pagbati at mga regalo.

“Thanks for all your sweet messages and those who sent gifts and flowers for my birthday [red heart emoji],” wika niya sa IG.

Ayon pa sa aktres, ngayong nadagdagan muli ang kanyang edad ay naiisip niya ang ilan sa mga napagdaanan niya sa buhay, pati na rin ang mga desisyon niya sa buhay.

Baka Bet Mo: Andrea Torres enjoy na enjoy ang pagiging kontrabida, aminadong hirap maka-eksena si Bea Alonzo, bakit kaya?

“Every time I know that my bday is coming up, I always get the bday blues, and this year is no exception,” saad niya.

Patuloy pa niya, “It makes me think of so many things about my life and inspect my life decisions.”

Ang nais, aniya, niyang mangyari ay magkaroon ng makabuluhan ang kanyang buhay.

“You see, I want to live a meaningful life, and I always look for my life’s meaning. And I realized the essence of everything in your life is what you give it [red heart emoji],” saad niya sa post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Makikita sa comment section na bumuhos ang mga pahabol na birthday greetings ng ilang kapwa-artista.

Ilan lamang sa mga bumati ay sina Jericho Rosales, Jenny Miller, Sam YG, Bayani Agbayani, Ruru Madrid, Gary Valenciano, Jolina Magdangal, Ryan Agoncillo, Sharon Cuneta, Mariel Padilla, Julie Anne San Jose, at marami pang iba.

Hindi rin siyempre nagpahuli ang kanyang boyfriend na aktor at businessman na si Dominic Roque na nag-post din sa sarili niyang Instagram account.

Makikita sa isang IG post na ibinandera ni Dominic ang ilang sweet photos nilang dalawa, pati na rin ang solo pictures ni Bea.

Caption niya sa post, “Happy Happy Birthday Hunnn! [red heart emoji] i love you…[flying kiss emoji].”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dominic Roque (@dominicroque)

Kung matatandaan, taong 2021 nang kumpirmahin ng couple ang kanilang tunay na relasyon.

Nitong nagdaang July 20 naman nang ibinahagi ni Bea sa social media ang naging wedding proposal sa kanya ni Dom habang siya ay nasa taping sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Quezon City.

Makikita pa nga ang black and white pictures na nagulat at napaiyak pa si Bea bago magsabi ng “yes” sa aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Rambo Nuñez sa kaarawan ni Maja Salvador: Cheers to your first birthday as my wife! 

Bea dumanas din ng hirap sa buhay: Magkano kaya kikitain ko sa linggong ‘to? Makakabayad kaya kami ng kuryente at rent sa bahay?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending