Bea Alonzo hindi ipo-promote ang natapos na pelikulang '1521', producer hindi raw tumupad sa mga pangako? | Bandera

Bea Alonzo hindi ipo-promote ang natapos na pelikulang ‘1521’, producer hindi raw tumupad sa mga pangako?

Reggee Bonoan |September 28,2023
facebook
share this

Bea Alonzo hindi ipo-promote ang natapos na pelikulang ‘1521’, producer hindi raw tumupad sa mga pangako?

Reggee Bonoan - September 28, 2023 - 09:14 AM

Bea Alonzo hindi ipo-promote ang natapos na pelikulang '1521', producer hindi raw tumupad sa mga pangako?

Bea Alonzo

MARAMING dahilan pala ang aktres na si Bea Alonzo kung bakit hindi niya ipo-promote ang pelikulang “1521 The Movie” na ipalalabas na sa Oktubre 2 dito sa Pilipinas.

Isa na nga riyan ang napakaraming  sablay ng producer ng pelikula.

Sa “Showbiz Update” YouTube channel nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Tita Jegs ay naibalita nilang tila hindi nagpo-promote o nababanggit man lang ni Bea na may pelikula siyang ipalalabas na sa susunod na buwan.

Kaya’t nanawagan sila sa aktres na bukas ang kanilang YT para sa panig nito at nitong Miyerkoles ng hapon ay ikinuwento ni Ogie na nakausap niya ang staff ni Bea tungkol dito.

“Hinding-hindi raw makakalimutan ni Bea ang 1521 dahil dito sa pelikula siya nakaranas ng mga kakaiba na hindi niya naranasan sa ibang production outfit,” bungad ni Ogie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


“Ano ‘yun ‘Nay? Gaya nang?” tanong ni Mama Loi.

“’Yung hotel room ni Bea (sa Palawan) sinagot ng producer. Pero ‘yung hotel room ng kanyang team o ‘yung Bea team ay hindi sinagot, so, ang sumagot ay si Bea,” pahayag ng content creator at kilalang talent manager.

Nabanggit din na ang tent na nagsisilbing holding area ng mga artista habang naghihintay ng take ay walang aircon at nilagyan lang daw ito ilang araw bago matapos ang shooting.

Sa gubat kasi ang location ng shoot kaya naglagay ng tent doon, kaysa bumalik pa ng hotel (ipinakita sa video na naglalakad sa maraming talahib si Bea habang pinapayungan ng marshal).

“At na-injure pa ‘yung direktor (Michael Barder) kasi hindi safe patungong location,” diin ni Ogie.

Nagtatakang tanong ni Tita Jegs, “Paanong hindi safe? E, gubat ‘yun, so, ingat ka talaga sa paglalakad doon!”

“May point naman si Jegs, siguro ang kulang dito ‘yung mga nag-a-assist (para magsabing) ‘wag po kayong dadaanan dito o maghahatid.’

“Kasi kinabisa (ang daan) o nag-ocular muna ‘yung staff patungo do’n sa location. At since nag-ocular na sila ay sasamahan nila ang lahat ng artista ro’n.  E, ‘yung direktor pa mismo ang nasugatan,” kuwento pa ni Ogie.

Baka Bet Mo: True ba, Kiko Estrada na-insecure kay Joshua Garcia kaya biglang nag-resign sa ‘Darna’?

Isa pa sa hindi malilimutan ni Bea bilang leading lady ng “1521 The Movie” ay siya pa raw mismo ang nagpagawa ng costume niya bilang si Diwata na dapat sana ay sagot ng production.

“Ito pa, ‘yung direktor nasugatan, na-injure rin ang mga talent (katutubo) kasi ‘yung mga itak na ginamit nila ay totoo! Mahihiwa ka nga,” sabi pa ni Ogie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


“Ha? Oo naman kasi pinangaaway-away n’yo ‘yun (muwesta) magkakasugatan nga kayo,” say ni Mama Loi.

Say pa ni Mama Loi, “Bayad naman siguro ‘yung mga talents diyan?”

“Buti nabanggit mo ‘yan hindi raw bayad ang mga talents! Sinabi pa raw ng producer sa mga talents o dancers, ‘hoy mag-talent kayo d’yan ha, pero walang bayad, pero magkakaroon kayo ng chance magpa-picture kay Bea!” sabi pa raw ng staff ng aktres kay Ogie.

Natawang sabi ni Mama Loi, “Taray, palit picture?”

Sa pagpapatuloy pa ni Ogie, “Yung mga hotel rooms na kanilang ini-stay-an, de tabo! Walang shower.”

“Teka ‘te, de tabo? San ba ‘yan (hotel)?” kunot noong tanong ni Tita Jegs.

“Di ba ginanap nga itong shooting sa Palawan? Pero may mga hotel rooms naman daw doon na de-shower, kaso sa de-tabo sila (naka-check in),” say pa ni Ogie.

Birong hirit ni Mama Loi, “Buti na lang hindi sa de-igib (mag-iigib ng tubig sa poso).”

Nagkatawanan na lang sina Ogie, Tita Jegs at Mama Loi.

Maging ang mga ilaw at camera ay provided daw ng direktor at ‘yung mga ilaw na ginamit, puchu-puchu at mahihinang klase raw, parang hindi pang-shooting.

Kaya tanong ni Tita Jegs, “So ‘te pang-vlog lang ‘yan ‘no?”

“Ring light. Ha-hahaha!” tumatawang sabi ni Mama Loi at natawa rin si Ogie.

“Oo, pang live-selling,” giit pa ni Tita Jegs.

Pati raw mga tubig na inumin ay walang ma-provide ang production para sa talents.

“Oo, si Bea pa raw ang nagpameryenda at nagpa-tubig (nagpabili ng bottled water). At wala raw service para sa talents. Naglalakad sila patungo sa kanilang hotel kahit gabing-gabi na,” kuwento pa ni Ogie.

Balik-tanong ni Mama Loi, “E, bakit (ba) kasi tinanggap ni Bea to begin with?”

“E, kaya raw nag-yes si Bea, e, dahil marami nga raw pangako ‘yung producer na hindi naman daw natupad,” saad ni Ogie.

“E, pag ganyan nga ‘Nay hindi talaga magpo-promote si Bea?” opinyon ni Mama Loi.

“Yan ang ating aabangan pag ‘yung producer nagpunta rito (Pilipinas) to promote the movie even without Bea ‘yun na ‘yun. Pag nagpatawag ng presscon ‘yung producer at wala si Bea, ‘yun na!” paliwanag ni Ogie.

Hindi naman daw madedemanda ang aktres kapag hindi siya nag-promote ng pelikula nila dahil wala rin silang kontrata base rin sa producer na nakausap mismo ni Ogie kaya’t solo na lang nitong ipo-promote ang pelikula nila.

“’Yung mga ganitong reklamo mula sa staff ni Bea Alonzo ay itatanong natin sa producer kung gaano katotoo ang mga akusasyon na ito.  Kasi kung totoo nga ito, kami mismo (bilang talent manager at aktor) ay maiintindihan namin si Bea,” paliwanag ni Ogie.

Nasambit pa na talagang hindi malilimutan ng aktres ang “1521” dahil sa ibang production outfit ay VIP ang trato sa kanya bilang artista at bida pa.

“Lahat naman ng mga artista at gustong mag-artista (talents) ay binibigyan ng (magandang trato), matic naman ‘yan sa lahat tulad ng Viva, GMA Films Regal at Star Cinema.

“Hindi naramdaman ni Bea na bida siya at naawa si Bea sa mga tauhan kasi hindi pa bayad ‘yung iba. Kaya ang laki rind aw ng iniluwal ni Bea siguro para ibigay sa ibang talents bilang bayad.

“Anyway, hindi natin dyina-judge ‘yung producer bibigyan din natin siya ng pagkakataong ipaliwanag kung gaano katotoo itong mga sinasabi ng staff ni Bea. Open naman ang aming programa (Showbiz Update). Sana nga hindi totoo!” saad ni Ogie.

Bukas din ang BANDERA sa panig ng producer ng “1521 The Movie”.

Heart Evangelista na-link nga ba kina John Lloyd Cruz at John Estrada?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice Ganda nakipag-meeting daw kay Bobot Mortiz, tuloy na nga ba ang paglipat sa GMA 7?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending