Vice Ganda nakipag-meeting daw kay Bobot Mortiz, tuloy na nga ba ang paglipat sa GMA 7? | Bandera

Vice Ganda nakipag-meeting daw kay Bobot Mortiz, tuloy na nga ba ang paglipat sa GMA 7?

Reggee Bonoan |May 22,2022
facebook
share this

Vice Ganda nakipag-meeting daw kay Bobot Mortiz, tuloy na nga ba ang paglipat sa GMA 7?

Reggee Bonoan - May 22, 2022 - 11:25 PM

Vice Ganda

MAY sitsit na inaawitan na si Vice Ganda ng GMA 7 bilang kapalit sa iniwang time slot ni Willie Revillame dahil nakita siyang nakipag-meeting kay Direk Bobot Mortiz na ngayon ay konektado na sa Kapuso network.

At mas lalo pang umugong ang balita dahil hindi nakadalo si Vice sa nakaraang birthday party ni Tita Cory Vidanes, ang chief operating officer ng ABS-CBN.

Pero sa kasalukuyan ay napapanood o pumapasok naman ang TV host sa “It’s Showtime” kaya saan kaya nanggaling ang balita?

Isa ito sa napag-usapan nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Dyosa Pockoh sa kanilang “Showbiz Update” vlog na in-upload kagabi sa YouTube channel.

“So lalong lumalakas ‘yung sapantaha ng netizens and Mariteses na baka nga lilipat na si Meme (tawag kay Vice),” tanong ni Mama Loi kay Ogie.

“Hindi lang nakapunta sa birthday ni tita Cory, lilipat na kaagad?” sabi naman ng talent manager and vlogger.

“E, kasi ang daming big stars na nandoon tapos si Meme wala?” pangungulit ni Mama Loi.

Sabi naman ng manager ni Liza Soberano ay wala rin doon ang alaga niya na kasalukuyang nasa Amerika ngayon para sa isang proyektong pagsasamahan nila ni James Reid.

Going back to Vice Ganda since napapanood siya sa “Showtime” ay natanong ni Mama Loi na ibig sabihin ay may network contract pa ang TV host.

“Alam mo nang-iintriga ka talaga tapos ako na naman ang maku-quote,” sagot kaagad ni Ogie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


“Hindi ko alam (kung may kontrata pa), pero di ba kapag ganyan ina-announce (pag nag-renew) pag pumirma?  E, hindi pa natin nakita si Vice na pumirma,” ani Ogie.

“So, it means free na siya wala na siyang network contract? (tawa naman nang tawa si Ogie). Bakit hindi ka makasagot nang diretso?” pangungulit pa rin ni Mama Loi.

“Hindi ko kasi alam! Hindi ko talaga alam Loi,” diin ni Ogie.

Paliwanag naman ni Mama Loi na kaya niya nabanggit na baka wala nang kontrata ay dahil nga kinausap ni Direk Bobot si Vice kaya nakapagdududa naman talaga.

“Yan ba ang assessment mo Loi?  Ang alam ko kasi kapag may network contract, may contract signing at hindi pa natin nakikita si Vice baka wala pang network contract o hindi pa expired ‘yung contract niya,” paliwanag ni Ogie.

Hmmmm, hindi kaya in a way ay parinig na ito nina Ogie at Mama Loi para makarating sa ABS-CBN bigwigs dahil malapit nang mag-expire ang kontrata ni Vice?

Sa pagpapatuloy ni Ogie, “Ganito lang ‘yan kung si Vice wala pang pinipirmahang kontrata sa ABS-CBN ibig sabihin malaya siyang tumanggap ng kahit ano.

“Ang hindi natin alam kung si Vice Ganda ay may kontrata sa It’s Showtime or isa lang ‘yun nan aka-incorporate sa network contract. O basta, alamin na lang natin ‘yan at malamang may announcement,” aniya pa.

Biro ni Mama Loi, “Yung mga ganyang may announcement feeling ko may alam ka, eh! Ha-hahaha!”

“Alam mo mahadera ka. Di ba, veteran ako sa ‘yo?  Bakit mas marami ka pang alam?  Kung sakaling wala pang kontrata, sana huwag umalis si Vice, sana mag-usap sila ng management kung may problema man, di ba?” pahayag ni Ogie.

Anyway, bukas ang BANDERA sa panig ni Vice o ng kanyang kampo ukol dito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice Ganda balak nga bang mag-ober da bakod sa GMA-7?

True ba, Kiko Estrada na-insecure kay Joshua Garcia kaya biglang nag-resign sa ‘Darna’?

Heart Evangelista na-link nga ba kina John Lloyd Cruz at John Estrada?

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending