True ba, Kiko Estrada na-insecure kay Joshua Garcia kaya biglang nag-resign sa 'Darna'? | Bandera

True ba, Kiko Estrada na-insecure kay Joshua Garcia kaya biglang nag-resign sa ‘Darna’?

Reggee Bonoan |March 10,2022
facebook
share this

True ba, Kiko Estrada na-insecure kay Joshua Garcia kaya biglang nag-resign sa ‘Darna’?

Reggee Bonoan - March 10, 2022 - 12:44 PM

Joshua Garcia at Kiko Estrada

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA tungkol kay Kiko Estrada na hindi na siya kasama sa “Darna” series na pagbibidahan ni Jane de Leon dahil pasaway daw kaya tsinugi.

Nabanggit pa namin na maglalabas ng official statement ang JRB Creatives Productions tungkol dito pero hanggang ngayon ay wala pa.

Sa kaka-upload na “Showbiz Update” para sa YouTube channel nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Ate Mrena kaninang 3:30 a.m. ay isa si Kiko sa napag-usapan na kaya pala nawala sa “Darna” ay dahil hindi na nito sinipot ang next cycle ng taping.

“Kasi naliliitan daw siya sa role niya,” bungad ni Ogie.

“Ha? Bakit ano ba ang role n’ya?” balik-tanong ni Mama Loi.

“Ang balita sa akin ay love triangle raw siya ni Joshua (Garcia) ni Jane de Leon bilang si Narda at si Darna,” tugon ni Ogie.

Nagulat naman ang co-host nitong si Mama Loi, “Ha? Naliitan pa siya ro’n? E, ka-ganu’n (muwestra pantay) niya ‘yung dalawang bida?”

“Kaya nga nangarag sila (production team) kaya bigla-bigla na lamang silang kumuha ng kapalit at ang nahanap nila ay si Paolo Gumabao. In fairness okay din naman na choice ‘yun. Pero di ba, wala namang maliit na role?” sambit pa ng talent manager cum vlogger.

At naalala nito ang yumaong Eddie Garcia na hindi raw conscious sa billing sabay ginaya ang boses, “Basta nandiyan ang pangalan ko at tama ang spelling ng pangalan ko okay lang sa akin.”
Natatawa naman si Mama Loi, “Manoy. Ha-hahaha.”

Sa pagpapatuloy ni Ogie, “Si Kiko gusto yata parang off-beat na ibang klase na feeling niya ay big break sa kanya baka hindi niya ‘yun naramdaman.”

“Pero ‘Nay ‘yung sinabi mong bigla na lang siyang hindi um-attend (taping) ano ‘yung walang pasabi, walang paalam? On the day of the lock in hindi na lang siya dumating?” tanong ni Mama Loi.

“Paano magpapaalam, e, bigla rin naman siyang nag-resign. Kaya nagkukumahog silang makahanap ng kapalit. Pero kapag ganyan alam mo sa isang istasyon sa akin lang ha (opinyon) pag nag-attitude ka mamarkahan ka nila.  

View this post on Instagram

A post shared by Kiko Estrada (@kikoestrad)


“Mamarkahan ka ng production, mamarkahan ka ng network. Kaya posible na hindi ka nga ban pero may silent ban. May mga ganyan kasi minsan ayaw na nilang maka-trabaho ‘yung mga ganu’n na napaka-unprofessional. Pero hindi naman natin alam kung ano naman ‘yung dahilan ni Kiko,” paliwanag ni Ogie.

Bilang talent manager at producer din ay ayaw makatrabaho ni Ogie ang mga unprofessional na artista dahil stress din ito sa parte nila na sayang ang panahon o oras sa mga ganitong klaseng artista.

“Oo nga ‘Nay, e, kasi doon ako naguguluhan biro mo kaka-love triangle mo, ka-loveteam ka rin halos nu’ng bida,” say naman ni Mama Loi.

“Oo ‘no! Joshua Garcia, Jane de Leon tapos Kiko Estrada, di ba ang laki no’n?” sabi rin ni Ogie.

“Oo nga, e, doon ako talaga nagtataka bakit naliitan pa siya,” sambit ni Mama Loi.

“Kung anuman ang rason ni Kiko sana ay hindi niya pinagsisihan pero ‘yung biglaang pagre-resign kung totoo man ito na sana ay hindi pero kung totoo man, e, parang hindi yata maganda dapat ahead of time.  Saka kung na-establish na ‘yung karakter ang hirap no’n ah,” diin pa ng talent manager.

“Oo, ‘Nay kasi nakaisang cycle na sila, eh, di ba isang buong lock in na sila, ilang episodes din siguro ‘yun,” sabi ulit ni Mama Loi.

“Korek! E, di retake lahat, re-shoot kasi nandoon siya, paano ‘yan?  Aabangan natin ang susunod na kabanata diyan.

“Saka parang nagpahinga si Kiko Estrada. Absent muna siya sa social media kasi tinanggal na niya lahat ng post niya kasi na zero post siya at zero following pero verified ‘yung account niya na may 464 thoudand followers. 

“Baka ito na ‘yung hudyat na gusto muna niyang magpahinga. Dahil one time sabi niya sa akin, ‘magpapahinga muna ako sa social media, tito Ogie.’

“Dati ha, sabi niya sa akin after nila ni Heaven (Peralejo), naku, e, sana maayos ‘yan ha?  Importante ang mental health,” pahayag ni Ogie.

“Pero ‘Nay sa magandang side naman, i-congratulate naman natin si Paolo,” saad ni Mama Loi.

“Paolo Gumabao, mahusay din naman umarte ‘yan,” sabi ng Ogie.

“At saka siguro nakatakda rin para sa kanya ‘yung role di ba? Sabi nga ng iba others peoples’ lost maybe other people’s gain,” sabi naman ni Mama Loi.

Hirit naman ni ate Mrena, “Baka na-insecure siya kay Joshua Garcia kuya (Ogie) kaya ganu’n. Sa pag-acting niya kasi Joshua Garcia grabe sa aktingan ‘yan.”

Hmmm, hindi nga kaya, ano sa tingin n’yo dear readers?  

Anyway, bukas ang BANDERA sa panig ni Kiko Estrada.
https://bandera.inquirer.net/292400/anyare-kiko-estrada-heaven-peralejo-hiwalay-na-nagkasawaan-agad

https://bandera.inquirer.net/294914/sharon-nagpakita-ng-suporta-sa-pagtakbo-ni-sen-kiko-sa-2022-im-here-for-you-and-i-love-you

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/294914/sharon-nagpakita-ng-suporta-sa-pagtakbo-ni-sen-kiko-sa-2022-im-here-for-you-and-i-love-you

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending