Andrea Torres enjoy na enjoy ang pagiging kontrabida

Andrea Torres enjoy na enjoy ang pagiging kontrabida, aminadong hirap maka-eksena si Bea Alonzo, bakit kaya?

Pauline del Rosario - October 05, 2023 - 05:30 PM
Andrea Torres enjoy na enjoy ang pagiging kontrabida, aminadong hirap maka-eksena si Bea Alonzo, bakit kaya?
Andrea Torres, Bea Alonzo

SUPER nag-eenjoy ang aktres na si Andrea Torres sa ginagampanang role sa Kapuso series na “Love Before Sunrise.”

Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na nabigyan ng kontrabida role si Andrea sa kanyang buong acting career.

Sa naging panayam with King of Talk na si Boy Abunda, masayang ikinuwento ni Andrea ang kanyang mga naging karanasan bilang kontrabida.

Ayon sa aktres, nais niyang ma-challenge ang sarili kaya niya naisipang tanggapin ang pagiging kontrabida.

“Parang gusto ko kasing mag-grow as an actress. So feeling ko, dapat talaga china-challenge ko ang sarili ko,” sey ng Kapuso actress.

Baka Bet Mo: Andrea Torres first time magkokontrabida sa serye ng GMA: ‘Tinanggap ko agad dahil idol ko talaga si Bea Alonzo!’

Paliwanag pa niya, “So coming from ‘Sisa’ na aping-api na nakita kong umiyak sila with me, parang gusto ko lang i-test kung ano kaya ang magiging reaksyon naman nila pagka gumawa naman ako ng kontrabida na role.”

Nang tanungin naman siya ni Tito Boy kung ano-ano ang mga natuklasan niya sa bago niyang role.

Para kay Andrea, tila na-eenjoy niya ito dahil mas malaya siyang gawin kung ano ang pwede niya i-arte.

Sagot niya, “Mas nakakapaglaro ka kapag kontrabida ka. Parang lahat valid.”

“Kahit sabihin doon na parati kang galit o sumisigaw ka, pwede mo siyang lagyan ng mga subtext, pwede mo siyang gawing tumatawa ka pero umiiyak ka rin na nakakainis ka rin, ‘yung parang ganun,” kwento niya.

Sambit pa niya, “Mas may freedom, pwede mo siyang laruin talaga.”

Kasunod nito ay inusisa siya ng TV host pagdating kay Bea Alonzo na talaga namang iniidolo ni Andrea.

Sambit ni Tito Boy, “Sabi mo iniidolo mo, she’s one of your acting heroes. Ngayon nakikipagsampalan ka na, nakikipagsabunutan ka na, nabubuhusan mo na ng tubig. How was that your experience?”

Pag-amin ng aktres, “Ang hirap ‘nung una Tito Boy.”

“Sinabi ko nga sa kanya parang, ‘bakit ganun? Kapag siya na ‘yung ka-eksena ko parang ang dami kong iniisip bigla, nag-o-overthink ka bigla.’ Pero siguro kasi ito na ‘yun, this is the moment,” chika niya.

Patuloy niya, “Dati kasi inaaral ko ‘yung movies niya, nagdi-dream pa lang ako noon na makasama siya. Tapos ngayon, kaharap ko na. May starstruck factor.”

Follow-up naman ng King of Talk, “Paano mo na-overcome ‘yun?”

Ani ng Kapuso actress, “Siguro sa dami nalang ng eskena namin together. And she’s very nice.”

“Nag-eeffort din siya na ma-feel ko na warm siya and hindi ako pwedeng ma-intimidate sa kanya,” saad pa ni Andrea.

Bukod kay Andrea at Bea, tampok rin sa seryeng “Love Before Sunrise” sina Dennis Trillo at Sid Lucero.

Related Chika:

JM de Guzman pang-best actor ang kaangasan bilang kontrabida; fans abangers sa acting collab nila ni Donnalyn Bartolome

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Payo ni Gladys Reyes sa mga misis: ‘Hindi manghuhula ang mga lalaki kaya sabihin natin kung ano talaga ang gusto natin’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending