Maggie Wilson naglabas ng resibo na wala silang pre-nuptial agreement ni Victor Consunji | Bandera

Maggie Wilson naglabas ng resibo na wala silang pre-nuptial agreement ni Victor Consunji

Reggee Bonoan |February 12,2023
facebook
share this

Maggie Wilson naglabas ng resibo na wala silang pre-nuptial agreement ni Victor Consunji

Reggee Bonoan - February 12, 2023 - 10:41 AM

Maggie Wilson naglabas ng resibo na wala silang pre-nuptial agreement ni Victor Consunji

NAGLABAS ng ebidensiya ang estranged wife ni Victor Consunji, Jr, CEO at Founder ng VCDC na si Maggie Wilson isang modelo, social media influencer at entrepreneur na wala silang pre-nuptial agreement.

Inilabas ng modelo ang dokumentong hawak niya sa kanyang Instagram stories 23 hours ago as of this writing, “have no record of any PRE-NUPTIAL AGREEMENT in the office of the Municipal Civil Registrar, Bacacay, Province of Albay.

Ikinasal sina Victor at Maggie noong Disyembre 18, 2010 sa Albay at noong September 27, 2021 naglabas ng official statement ang una sa kanyang Instagram na hiwalay na sila ni Victor pagkalipas ng labing isang taong pagsasama bilang mag-asawa at may anak silang 11 years old na, si Connor.

At dahil walang prenup ang estranged couple ay nangangahulungang conjugal ang lahat ng properties ni Victor at gayun din ni Maggie.

Ito rin ang dahilan kung bakit hindi iniiwan ng modelo ang townhouse na pag-aari ng VCDC na kumpanya ni Victor pero para walang gulo ay nagbabayad siya ng upa bilang doon naman nakatira ang kanyang kapatid at anak nito habang wala siya sa bansa.

Mula sa aming source, “Nanggagalaiti si Victor kasi ‘yung pre-nuptial agreement ay hindi nai-file sa Bicol. Pinapirma si Maggie pero hindi nai-file nu’ng lawyer ng mga Consunji. Nalimutan o dahil abala kasi kasal nga nila, tapos nu’ng ipa-file na hindi na valid kasi ilang taon na ang nakalipas.”

Base sa nabasa namin ay maaring mag-file ng prenup 15 days bago ang kasal at hindi na pupuwedeng mag-file pagkatapos ng kasal.

Sabi ulit ng aming source, “Kaya ‘yan ang hinahabol ngayon ni Victor kasi lahat ng pag-aari niya ay conjugal sila ni Maggie.

Patong-patong na kaso ang isinampa ni Victor sa asawa, yes mag-asawa pa rin sila dahil hindi pa naman sila annulled.

Kaya sa dokumentong inilabas ni Maggie sa IG stories niya na nagpapatunay na wala silang pre-nuptial agreement ay ginamit niyang apelyido ang Consunji.

Sa ibaba ng dokumento na kinulayan ng itim, ang mensahe ni Maggie, “Victor Consunji’s statement, February 10, 2023: ‘I have resolved to enforce the existing prenuptial agreement strictly and without further consideration.’

“Is this why you want to send me to prison?

“Yours Sincerely,

Mrs. Margaret Wilson Consunji.”

Pinuri ng netizens si Maggie sa inilagay niyang “Mrs. Consunji” dahil siya pa rin talaga ang legal wife.

Ang mga nabasa naming komento ng netizens mula sa isang showbiz website.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maggie Wilson (@wilsonmaggie)

“Kaya pala ayaw umalis nina Maggie & Sister sa VCDC unit.”

“Baka naman nasa Taguig naka-registro ‘yung prenuptial, wala sa Bacacay kung saan sila kinasal. posibleng ganun ang ganap.”

“If not in Bacacay, maybe there is in another town? that’s why V is claiming about a pre-nup agreement?”

“Ang pre nup dapat nakaregister sa town/ municipality kung saan sila kinasal. Dalawang beses sila kinasal sa Bacacay kaya sa Bacacay lang dapat nakaregister and pre nup. Give her what is rightfully hers!”

“Jackpot ka Maggie!”

“Mrs Consunji is on fayaaaarrr.”

“Eto na ang sagot sa lahat ng katanungan ng mga Maritess! Kalurkey. Claim what is yours Maggie!”

“I really don’t like Maggie when she was still with V. Kasi she flaunts too much and laging hubad sa socmed hahaha. But her strength as a MRS, I like her! way way to go girl! Di baleng walang bilyon, but may peace of mind and the truth, that’s something dirty money can’t buy. Imagine V is throwing fortune just to get even.”

“Maggie is so classy. And she use her voice to help other women.”

Bukas ang BANDERA sa panig ni Victor Consunji o ng campo nito hinggil sa isyung ito.

 

Related Chika:
Bakit nga ba biglang naghiwalay sina Maggie Wilson at Victor Consunji after 11 years?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Victor Consunji may ganti nga ba sa pa-hashtag ni Maggie Wilson?

Maggie Wilson, Victor Consunji muling nagkasama para sa kaarawan ng anak

Maggie Wilson malungkot ngayong Pasko: I was refused time with my son

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending