Victor Consunji may ganti nga ba sa pa-hashtag ni Maggie Wilson? Bandera

Victor Consunji may ganti nga ba sa pa-hashtag ni Maggie Wilson?

Therese Arceo |October 19,2022
share this

Victor Consunji may ganti nga ba sa pa-hashtag ni Maggie Wilson?

Therese Arceo - October 19, 2022 - 05:28 PM

Victor Consunji may ganti nga ba sa pa-hashtag ni Maggie Wilson?
MUKHANG may labanan ng parinigan at pagalingan ng hashtags sa pagitan ng dating mag-asawang sina Maggie Wilson at Victor Consunji.

Kamakailan kasi ay usap-usapan ang naging cryptic host ng dating beauty queen-entrepreneur na tila pinatutungkulan ang kasalukuyang pinagdaraanan na may kaugnay sa kinakaharap na mga kaso.

Matatandaang sinamapahan ni Victor ng kanyang estranged wife ilang buwan matapos ang kanilang opisyal na pag-amin na hiwalay na sila.

“If you can’t get a woman to bow down to you and crawl then just file tons of cases against her. Only weak men fear strong women,” saad ni Maggie sa kanyang Instagram post noong Biyernes, October 14 na may pa-hashtag na “#small[eggplant emoji]issues”.

Marami naman sa mga netizens ang na-curious sa kanyang hashtag at iniuugnay nga ito kay Victor.

Bagamat tikom ang bibig ni Maggie hinggil sa mga teorya ng mga netizens sa comment section pero naniniwala pa rin ang mga Marites na may kaugnayan talaga ito sa dating asawa.

Pag-amin naman noon ng dating beauty queen na sinampahan siya ng kaonv adultery ni Victor kasama ang business partner nitong si Tim Connor. Bukod rito ay patong-patong rin daw ang iba pang kasong nais nitong isampa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BluPrint (@bluprintmag)

Samantala, matapos ang pa-talong hashtag ni Maggie ay mukhang may tugon naman ang businessman ng kanyang sariling hashtag na naging sanhi para mas maging curious ang mga netizens sa nangyayari sa pagitan nilang dalawa.

#EasyToFeelSmallInSuchABigCave,” saad ni Victor sa kanyang naging Instagram story nitong Martes ng gabi, Oktubre 18.

Makikitang nasa kuweba nga ang businessman na tila nag-e-explore ng ganda ng kalikasan.

May iba ring ginamit na hashtag si Victor gaya ng “#YouKnowThisPlaceIsNextToABeach”, “#AllICanSayIsThisBeachHasAHugeCave,” at “#ThisCaveMUSTbeRoyalty”.

Sa ngayon ay wala namang pahayag si Maggie hinggil sa viral post ng dating asawa.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ng dalawang kampo hinggil sa isyu.

Related Chika:
Bakit nga ba biglang naghiwalay sina Maggie Wilson at Victor Consunji after 11 years?

Maggie Wilson, Victor Consunji hiwalay na makalipas ang 11 taong pagsasama bilang mag-asawa

Maggie Wilson, Victor Consunji muling nagkasama para sa kaarawan ng anak

Maggie Wilson malungkot ngayong Pasko: I was refused time with my son

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending