Pamangkin ni Rico Yan na si Alfy nag-showbiz na: ‘Carbon copy talaga!’
MUKHANG may susunod na sa yapak ng yumaong aktor na si Rico Yan.
Siya’y walang iba kundi ang pamangkin niyang si Alfy!
Ang exciting news ay ibinandera mismo ng Viva Artist Agency sa isang Instagram post.
“Carrying on the legacy! Alfy Yan, nephew of the late Rico Yan, is now part of Viva Artists Agency!” anunsyo ng talent management company.
Ayon pa sa kumpanya, si Alfy ay nakatakdang magsimula sa kanyang showbiz journey sa December 10 kasabay ng press conference na ila-livestream din sa Facebook page.
View this post on Instagram
Proud na proud din siyempre si Claudine Barretto, ang ex-girlfriend at dating love team ni Rico, sa bagong milestone ni Alfy.
“I am so proud to announce that another Yan will be part of this industry,” bungad ng aktres.
Lahad niya, “Like his Uncle Rico, Alfy will be changing and touching lives, and will continue the Yan legacy.”
“We are so proud of you, Alfy!” mensahe pa niya.
Tila inihayag din ni Claudine na ito ang magsisilbing Christmas gift sa kanya at para rin sa fans ng yumaong aktor.
View this post on Instagram
Sa comment section, ramdam ang pagkasabik ng ilang netizens at fans, lalo na’t kahawig daw talaga ni Rico ang pamangkin.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Grabe, you’re the carbon copy talaga ng uncle rico mo, @alfytueres2 . May YAN na ulit! WAAAAA, nakakaproud ka. Sbrang tuwang tuwa siguro si rico sa nangyayari ngayon!”
“God is everything talaga, without knowing na ito pala yung plan ni Lord, hindi si Rico pero so bless na binigyan niya tayo ng another ka-look a like hindi lang sa mukha but as well as good personality.”
“OMGGGGGG THIS IS IT!!!!! The next matinee idol [red heart emoji]”
“Ito na ang simula [fire emoji] Congrats @alfytueres2! [red heart emoji] ang magtutuloy sa legacy ni Rico! dami mo nang fans, kasama kaming mga 90’s baby.”
Para sa kaalaman ng marami, si Alfy ay anak ng kapatid ni Rico na si Geraldine.
Wala pa kaming nasasagap na chika kung ano-ano ang ilalatag na proyekto para sa baguhang aktor.
Samantala, si Rico ay pumanaw dahil sa cardiac arrest due to acute hemorrhagic pancreatitis noong 2002 sa edad na 27.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.