Promise ni Luis kay Jessy: Sa mga araw na pareho tayong hindi kamahal-mahal, I will choose to love you | Bandera

Promise ni Luis kay Jessy: Sa mga araw na pareho tayong hindi kamahal-mahal, I will choose to love you

Ervin Santiago |April 05,2021
facebook
share this

Promise ni Luis kay Jessy: Sa mga araw na pareho tayong hindi kamahal-mahal, I will choose to love you

Ervin Santiago - April 05, 2021 - 09:39 AM

MORE than one month nang nagsasama bilang mag-asawa sina Luis Manzano at Jessy Mendiola ngunit kahapon lamang nila ito ibinandera sa publiko.

Last February 21, 2021 pa pala nagpakasal (civil wedding) ang celebrity couple na ginanap sa The Farm at San Benito sa Lipa City, Batangas.

Dinaluhan lamang ito ng 20 bisita kasama na ang mga magulang ni Luis na sina Edu Manzano at Lipa City Rep. Vilma Santos with her husband Sen. Ralph Recto.

Ayon sa ulat, tatlong linggo lang ang naging preparasyon para sa intimate wedding nina Luis at Jessy sa tulong ng kanilang wedding planner. Ang TV host-comedian daw ang pumili ng venue para malapit lamang sa tirahan ni Ate Vi.

Mapapanood sa video na in-upload ni Jessy sa kanyang YouTube channel ang ilang mahahalagang bahagi ng kanilang kasal, kabilang na ang palitan nila ng vow ng kanyang asawa.

Makikita si Luis na umiiyak nang makita na ang kanyang bride habang kitang-kita namang kinakabahan si Jessy na maluha-luha rin bago simulan ang seremonya.

Nagtawanan naman ang mga bisita sa unang bahagi ng vow ni Luis. Sabi kasi nito, “They don’t know that I come running home when I fall down. They don’t know who picks me up when no one is around.”

Hirit naman ni Jessy habang tumatawa, “Parang kanta ‘to, ha.” Na ang tinutukoy ay ang lyrics sa kanta ni Gary Valenciano na “Warrior Is A Child.”

Nang magseryoso na, hindi na napigilan ni Luis ang maging emosyonal, “I want to promise that I will love you each day that comes even on those days na pareho tayong hindi kamahal-mahal. I will choose to love you.

“I promise to be your rock when you are weak, to put a smile on your face even on the darkest of days,” dagdag pa ng TV host.

Narito naman ang mensahe ni Jessy kay Luis, “Today is the beginning of our journey, our lives together. I choose to spend today and all of my tomorrows with you. I love you, haw haw.”

Ayon sa bagong kasal, biglaan lang daw ang desisyon nilang magpakasal na dapat sana’y sa June pa ang schedule. Magkakaroon pa raw sila ng church wedding sa December at sana raw ay maging maayos na ang sitwasyon sa Pilipinas para mas marami pa silang maimbitahan at siyempre para na rin sa kapakanan ng sambayanang Filipino.

Si Patricia Santos ang gumawa ng bridal dress ni Jessy habang mula naman kay Paulo Lazaro ang suit ni Luis. Nagsilbi namang stylist ng aktres si Patty Yap habang sina Rex Atienza at Jay Sarmiento naman ang kay Luis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, balak nina Luis at Jessy na mag-honeymoon sa Amanpulo pero baka ma-delay daw muna ito dahil sa pandemya health crisis, mas mahalaga raw ngayon ang tripleng pag-iingat dahil nga sa nakaaalarmang pagtaas muli ng COVID-19 cases.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending