Jessy Mendiola labis na naiyak nang malamang buntis: Morning pa lang, nararamdaman ko na... | Bandera

Jessy Mendiola labis na naiyak nang malamang buntis: Morning pa lang, nararamdaman ko na…

Therese Arceo |August 19,2022
facebook
share this

Jessy Mendiola labis na naiyak nang malamang buntis: Morning pa lang, nararamdaman ko na…

Therese Arceo - August 19, 2022 - 04:58 PM

Jessy Mendiola labis na naiyak nang malamang buntis: Morning pa lang, nararamdaman ko na...

IKINUWENTO ng celebrity couple na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano ang naging journey nila kung paano nila natuklasan na magkakaroon na sila ng Baby Peanut.

Base sa video na in-upload nila sa kanilang YouTube channel, sobra siyang naluha nang makita na nag-positive ang resulta ng kanyang pregnancy test.

“Nararamdaman ko siya morning pa lang, may laman na… may laman na ‘yung tummy ko,” pagkukwento ni Jessy.

Agad raw niyang tinawagan ang asawang si Luis para bumili ng pregnancy test.

“That afternoon noong nag-test ako, doon na namin nakita na positive,” pagpaptuloy ni Jessy.

Noong una raw ay hindi pa makapaniwala ang aktres dahil aminado sila na hindi sila talaga nag-e-expect na makabuo dahil ilang beses na nila itong sinubukan pero madalas ay nabibigo sila.

Sa unang test raw ay medyo malabo pa kaya tinawag ni Jessy si Luis upang alalayan siya sa resulta.

Sa pangalawang try nila ng pregnancy kit ay naging malinaw na ang linya ay doon nila nakumpirma na talagang finally preggy na ang aktres at magkakaroon na sila ng panganay.

Isa pa sa mga rebelasyon nila, hindi nila agad sinabi sa kanilang mga pamilya ang pagbubuntis ni Jessy pero isa sa mga unang nakaalam ay ang Star For All Seasons at momsy ni Luis na si Vilma Santos.

Sunod daw na sinabihan nila ay ang mommy ng aktres at dahil excited raw ito ay naibalita na niya ito sa lahat ng kanilang kamag-anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jessy Mendiola – Manzano (@senorita_jessy)

Nang sabihin naman daw nila ito sa ama ni Luis ay labis rin ang saya nito ay may pa-bouquet of roses pa.

Sa ngayon ay nasa ika-2nd trimester na ang pagbubuntis ni Jessy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Looking forward rin ang mag-asawa sa paglabas ng kanilang Baby Peanut at excited na rin silang libutin ang mundo at talagang sisiguraduhin nila na pangmalakasan ang mga magiging OOTD ng kanilang magiging baby.

Related Chika:
Luis, Jessy nag-celebrate ng 1st wedding anniversary: One down, forever to go!

Jessy nakiusap sa haters: Sana ‘wag nating i-crucify ang isang tao dahil lang mali yung sinabi niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending