Bwelta ni Dawn Chang sa nagsabing 'late' na siya sa pagpapakasal: Best decision ever! | Bandera

Bwelta ni Dawn Chang sa nagsabing ‘late’ na siya sa pagpapakasal: Best decision ever!

Therese Arceo |June 14,2022
facebook
share this

Bwelta ni Dawn Chang sa nagsabing ‘late’ na siya sa pagpapakasal: Best decision ever!

Therese Arceo - June 14, 2022 - 08:57 PM

Bwelta ni Dawn Chang sa nagsabing 'late' na siya sa pagpapakasal: Best decision ever!

MABILIS na sinupalpal ng Kapamilya actress na si Dawn Chang ang mga taong nagsasabi sa kanya na masyado na siyang late para mag-settle down at bumuo ng pamilya.

Sa kanyang Twitter account ay ibinahagi niya na madalas raw siyang sabihan ng mga tao ukol sa pagpapakasal.

“People are telling me it’s kinda late to get married and have kids. Let me tell you, reaching my 30’s single and no kids is the best decision ever!” saad ni Dawn.

Aniya, maigi raw ang kanyang naging desisyon dahil mas makakapag-focus raw siya sa mga bagay na mahalaga para sa kanya.

Dagdag pa ni Dawn, “I can focus on my career/business, I can pay my bills, I can travel, I got to know myself well and most of all, I can date smarter.”

Marami naman ang sumang-ayon sa paniniwala ng aktres at wala naman daw talagang tamang timeline sa pagpapakasal at pagbuo ng pamilya.

 

 

May mga netizens rin na nagsabi na wala namang problema kung single ka sa iyong 30s lalo na kung abala ka pa sa pagtupad ng pangarap mo para kung sakali mang maisipang mag-settle down ay wala nang regrets sa buhay dahil sa hindi natupad na pangarap o goal sa buhay.

Nagbigay naman ng payo ang kanyang mga tagahanga kay Dawn at sinabing deadmahin na lang ang sinasabi ng ibang tao.

“Don’t mind others..focus on yourself and goals,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Attagurl!!! Career muna bago paglalandi. Bwahahahah!!!”

Sa ngayon ay abala si Dawn sa pagpapabuti ng kanyang career at sa katunayan ay parte siya ng upcoming TV series na “Darna” na pagbibidahan ni Jane de Leon sa direksyon ni Chito Roño.

Related Chika:
Daniel sa pagpapakasal kay Kathryn: Ready na ako

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Iya takot na takot bumuo ng pamilya noon, hirit ni Drew: ‘Gusto mo ba ng mansiyon at ng magarbong buhay?’

Dawn Chang inaming ‘para sa magandang kinabukasan’ ang dahilan ng pagsuporta kay Leni Robredo

Paolo may anak na kay Lara; nakatakdang kasal napurnada dahil sa pandemya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending