Dominic Roque sa pagpo-propose kay Bea Alonzo: It will be next...soon | Bandera

Dominic Roque sa pagpo-propose kay Bea Alonzo: It will be next…soon

Therese Arceo |June 14,2023
facebook
share this

Dominic Roque sa pagpo-propose kay Bea Alonzo: It will be next…soon

Therese Arceo - June 14, 2023 - 05:18 PM

Dominic Roque sa pagpo-propose kay Bea Alonzo: It will be next...soon
NILINAW ng aktor na si Dominic Roque na hindi pa siya nagpo-propose sa kanyang kasintahan na si Bea Alonzo.

Ngunit mukhang hindi naman ito malabong mangyari dahil tila nagpahaging na siya na maaari itong mangyari anytime soon.

Sa nagdaang MEGA Ball, natanong muli ang magdyowang sina Bea at Dominic ukol sa mga chikang engaged na sila at kung ano ang reaksyon ng mga ito tungkol rito.

Na-interview nga ang dalawa ni MJ Marfori na mapapanood sa kanyang TikTok page.

“Actually, mukhang engagement talaga pero it was 2021 pa ‘yung picture namin na ‘yon. Late lang lagi talaga akong magpost,” saad ni Dominic.

“Late post lang pero that doesn’t mean na hindi kami na-engage noong 2021,” singit naman ni Bea.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Baka Bet Mo: Bea love na love si Dominic: Sobrang inaalagaan niya ako, pinagsisilbihan, hindi nga ako sanay, e!

Sundot naman ni MJ, “The next question is… will it be next?”

Sagot naman ni Dominic, “Yes, it will. It will be next. Soon.”

Labis naman ang kilig na nararamdaman ng mga fans at supporters sa paraan ng pagsagot ni Dom sa tanong ni MJ.

“eto ung dapat very straighforward ang sagot ni dominic sure na sure sya the way he answered IT WILL IT WILL BE NEXT SOON,” saad ng isang netizen.

Sey naman ng isa, “ang bilis talaga sumagot ni Papa Dommm, itago mo yung kilig ate bei.”

Hirit naman ng isa, “Here comes the Bride & Groom it will it will [be] SOON accordingly to Handsome Dominic.”

Matatandaang August 2021 nang kumpirmahin nina Bea at Dominic sa madlang pipol ang kanilang relasyon.

Noong March ay inamin niyang muntik na silang maghiwalay ngunit ipinaalala sa kanya ng binata na “worth fighting for” ang kanilang relasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Bea kinontra ang isyung magkaiba ang level nila sa buhay ni Dominic: ‘Never akong tumingin sa estado ng isang lalaki kahit kailan’

Bea Alonzo sa pagkakaroon ng mga anak kay Dominic Roque: ‘Yes, sayang naman ‘yung lahi, ‘di ba?’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending