Bea Alonzo miss na miss magbakasyon kasama si Dominic Roque

Bea Alonzo miss na miss magbakasyon kasama si Dominic Roque: Sana makapag-travel ulit soon!

Pauline del Rosario |July 03,2023
facebook
share this

Bea Alonzo miss na miss magbakasyon kasama si Dominic Roque: Sana makapag-travel ulit soon!

Pauline del Rosario - July 03, 2023 - 11:02 AM

Bea Alonzo miss na miss magbakasyon kasama si Dominic Roque: Sana makapag-travel ulit soon!

PHOTO: Instagram/@beaalonzo

NAPA-THROWBACK at tila napa-senti mode ang award-winning actress na si Bea Alonzo sa kanyang latest Instagram post.

Makikita na ibinandera niya ang ilang sweet photos nila ng boyfriend na si Dominic Roque sa naging bakasyon nila sa El Nido, Palawan noong 2022.

Ayon kay Bea, bigla niyang na-miss magbakasyon kasama si Dom.

Nakwento pa nga niya na ang kanilang pamamasyal at pagpunta sa iba’t-ibang lugar ang tsansa nilang dalawa upang lalo pang magkakilala at bumuo ng masasayang experience.

“I suddenly miss going on a vacation with my love,” wika niya sa caption.

Chika pa niya, “It’s our chance to get to know each other better and create memories as a couple.”

“Sana makapag-travel ulit soon [red heart emoji],” hiling pa ng aktres.

Saad pa niya, “For the meantime, magtthrowback photos muna ako [smiling face with hearts emoji].”

Baka Bet Mo: Pagpapakasal nina Bea Alonzo at Dominic Roque fake news: ‘Hindi pa kami engaged!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Nag-reply naman diyan sa IG post mismo si Dom at sinabi kay Bea, “Loveee youuu.”

Kinilig naman ng todo ang maraming netizens at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Ayoko na sa earth [laughing face emojis] Bakit sobrang ang nagra-radiant ang love niyo sa isa’t-isa [smiling face with hearts emoji] God bless beadom!!! Stay strong!!!”

“That’s my BeaDom , happy, blessed, in love and contented [red heart emojis]”

“Awww kaka-miss na ang BeaDom travel [crying face emoji] beach na ulit kayo ni Dom [folded hands emoji].”

Matatandaang August 2021 nang kumpirmahin nina Bea at Dominic sa madlang pipol ang kanilang relasyon.

Noong March ay inamin niyang muntik na silang maghiwalay ngunit ipinaalala sa kanya ng binata na “worth fighting for” ang kanilang relasyon.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jennylyn Mercado balik-trabaho makalipas ang 2 taon, may bagong pelikula agad-agad?

Pokwang ready na ulit tumanggap ng ‘papa’: Bawal ang user ha or ‘mangga’!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending