Jennylyn Mercado balik-trabaho makalipas ang 2 taon

Jennylyn Mercado balik-trabaho makalipas ang 2 taon, may bagong pelikula agad-agad?

Pauline del Rosario |May 04,2023
facebook
share this

Jennylyn Mercado balik-trabaho makalipas ang 2 taon, may bagong pelikula agad-agad?

Pauline del Rosario - May 04, 2023 - 10:44 AM

Jennylyn Mercado balik-trabaho makalipas ang 2 taon, may bagong pelikula agad-agad?

PHOTO: Instagram/@mercadojenny

WORK mode na ulit ang aktres na si Jennylyn Mercado makalipas ang halos dalawang taong pagpapahinga sa showbiz industry.

Sa kanyang Instagram Stories, makikita na ibinahagi niya ang posts ng talent manager at CEO ng talent agency na Aguila Artist Management na si Katrina Aguilar na kung saan ay nakipagkita na siya sa mga bago niyang endorso.

Sey pa sa caption, “meeting for a new endorsement and movie with the ultimate star @mercadojenny.”

Jennylyn Mercado balik-trabaho makalipas ang 2 taon, may bagong pelikula agad-agad?

PHOTO: Instagram Story/@mercadojenny

Ibinunyag din sa IG Stories na may bago pelikula na offer sa kanya.

Sey sa caption ng isa pang talent manager na si Jan Enriquez, “Ultimate comeback project soon [emojis].”

Jennylyn Mercado balik-trabaho makalipas ang 2 taon, may bagong pelikula agad-agad?

PHOTO: Instagram Story/@mercadojenny

Matatandaan noong April 18 lamang ay kinumpirma ni Jennylyn na malapit na siyang masilayan sa telebisyon matapos tanungin ng isang fan sa social media.

Kinumpirma ng aktres na babalik siya sa GMA teleserye na “Love. Die. Repeat.”

Baka Bet Mo: Balak na nga bang layasan nina Jennylyn at Dennis ang Pinas at sa Amerika na manirahan?

Ang showbiz comeback ni Jennylyn ay unang ibinalita noong nakaraang taon matapos siyang tanungin ng entertainment correspondent na si Nelson Canlas sa isang podcast interview.

“Malapit na. First quarter next year,” sey ni Jennylyn kay Nelson.

Matatandaang noong October 2021 nang mabalitaang nagdadalang-tao si Jennylyn kasabay ng kanyang taping sa nasabing TV show.

Dahil diyan, itinigil muna ang pagbuo ng nasabing teleserye at pinagpahinga na muna siya.

Isinilang ng aktres ang first baby nila ng aktor na si Dennis Trillo noong Mayo ng nakaraang taon.

Related Chika:

Hiling ni Angelica Panganiban sa fans: Balato n’yo na sa ‘kin ang buhay ko ngayon

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pokwang ‘beast mode’ sa mga anti-Leni: Hindi ako takot mawalan ng followers, takot akong mawalan ng dangal!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending