Balak na nga bang layasan nina Jennylyn at Dennis ang Pinas at sa Amerika na manirahan?
NAPA-SANA all na lang ang mga netizens at mga tagasuporta ng Kapuso couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado dahil sa ibinandera nilang property sa Amerika.
Super proud na ipinakita ng Kapuso Drama King at Kapuso Ultimate Star sa kanilang social media followers ang mga litrato ng kanilang nabiling bahay sa Las Vegas, Nevada, USA.
Matatagpuan ang bonggang bahay ng mag-asawa sa Summerlin Residential Community sa Las Vegas Valley of Southern Nevada na may view ng Red Rock Canyon.
Actually, matagal na raw nakuha nina Jen at Dennis ang nasabing property sa Amerika pero ngayon lang ito nai-turnover sa kanila.
View this post on Instagram
Base sa mga nabasa naming comments mula sa kanilang IG followers, napakaswerte ng kanilang pamilya, lalo na ng kanilang mga anak dahil may bonggang ari-arian na sila sa US.
Pero ang nagkakaisang tanong ng kanilang mga supporters ay kung lilipat na nga ba sila very soon sa pag-aari nilang bahay sa Amerika?
Ayon kay Dennis, wala pa sa mga plano nila ni Jennylyn ang mag-migrate sa US. Base sa ipinadalang mensahe ng aktor sa “Fast Talk with Boy Abunda” mananatili pa rin silang pamilya dito sa Pilipinas.
Sabi ni Dennis, “No, we are not migrating, we are just investing.”
Bukod sa bahay nila sa Amerika, ipinapagawa na rin nina Jen at Dennis ang kanilang rest house sa Tanay, Rizal. O, jiva! Mapapa-sana all ka na lang talaga!
Samantala, napapanood pa rin si Dennis sa hit primetime series ng GMA na “Maria Clara at Ibarra” bilang si Simoun.
And after this, mapapanood naman ang aktor sa live-action adaptation ng GMA ng “Voltes V: Legacy” bukod pa sa malapit nang simulang reunion project nila ni Bea Alonzo.
Sa mga fans naman ni Jennylyn, malapit na rin niyang simulan ang comeback project niya sa GMA matapos mawala sa limelight nang manganak sa anak nila ni Dennis na si Dylan last April, 2022.
Jennylyn Mercado, Dennis Trillo ipinasilip na sa publiko ang mukha ni Baby Dylan
Jennylyn, Dennis lumantad na bilang Kakampink: Kailangan naming manindigan para sa aming mga anak
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.