Neri Miranda natawaran ng P12.5-M ang nabiling property sa Baguio: Pero hindi isang bagsakan, nag-loan kami for the first time | Bandera

Neri Miranda natawaran ng P12.5-M ang nabiling property sa Baguio: Pero hindi isang bagsakan, nag-loan kami for the first time

Ervin Santiago - December 18, 2022 - 09:18 AM

Neri Miranda natawaran ng P12.5-M ang nabiling property sa Baguio: Pero hindi isang bagsakan, nag-loan kami for the first time

Neri Miranda at Chito Miranda

IBINAHAGI ng actress-entrepreneur na si Neri Miranda ang isa sa mga “sikreto” sa pagtupad sa kanyang mga pangarap, kabilang na riyan ang tagumpay niya sa pagnenegosyo.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang wais na wifey ni Chito Miranda ng isang litrato ng isang blackboard kung saan nakalagay ang listahan ng mga properties na nais niyang mabili at ma-acquire.

Aniya sa caption, “Dream Board…

“Dito ko nilalagay yung mga goals ko. Kung ano gusto kong makamit at nilalagyan ko ng quota ang sarili ko para mas lalong magsipag.

“Kaya pag may gusto ako na negosyo o property o kahit anong goal ko, piniprint ko talaga tapos pinapaskil ko sa dream board ko. Kapag araw araw mong nakikita yung pangarap mo, pagsisikapan mo talaga hanggang matupad,” pahayag ni Neri.

Ibinigay nga niyang halimbawa ang nabili nilang ari-arian sa Baguio na nagkakahalaga ng P12.5 million at ipinare-renovate nila ngayon ni Chito para gawing resthouse.

“Kagaya ng Baguio house namin. Nagsesearch lang ako sa Facebook Marketplace, at nakita ko nga na for sale etong bahay na to.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nerizza Miranda (@mrsnerimiranda)


“Una mas mataas ang presyo. I think 15M ata asking before. Kaya di ako interested. Di kaya. Tapos bumaba ng 13M. Umakyat kaming pamilya to check the house.

“Ayun natawaran ko ng 12.5M. Pero di sya isahang bagsak. I checked my financial capability, and asked Chito kung gusto nya maki-invest kase gusto nya rin magkaroon ng bahay sa Baguio.

“Yung kaya lang namin i-down tapos nag-loan kami for the first time!” pagbabahagi pa ni Neri.

Ipinakita rin niya sa kanyang IG followers ang nabili nilang bahay sa Baguio, “Ayan ang itsura ng bahay nung binili namin.

“In the few days, ibang iba na sya. We will reveal it soon! Baguio House Tour soon?

“At kwento rin namin how much mga ginastos namin para sa mga gustong magpatayo o magparenovate ng house, may idea kayo.

“O sa mga gustong mag negosyo ng rentals, mabibigyan namin kayo ng tips.

“May dream board ka na rin ba? Anong mga nakalagay? Please share it with us. Magchikahan tayo!” sey pa ni Neri Miranda.

Neri nakabili na rin ng property sa Cebu: Sa aming dalawa ni Chito, mas matapang ako at mas makapal ang mukha

‘Honeymoon’ nina Hidilyn Diaz at Julius Naranjo nadamay sa magnitude 7 na lindol, anyare?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Neri Miranda ibinandera ang bagong negosyo at nabiling bahay sa Baguio; inalala ang kahirapan ng buhay noong bata

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending